"Children you have your new classmates," sabi ng guro. Natigil ako sa pagka-usap ng katabi kong classmate dahil sa batang kapapasok lang. Takot na takot kaya't hawak ito ng kanyang ina na napaka-sopistikada sa suot na white dress, may purse na naka-ipit sa kanyang kili-kili. Naka-ngiti siya sa aming guro. "Hello.." bati namin. Ngumiti ang ginang na sobrang ganda sa aming lahat bago niya hinarap ang teacher naming lahat. "He is shy. He seldom talk to people. Please, take care my son. He doesn't like people who touch him. I will leave my son to you Ms.Mondragon," anas ng ginang. "Sure, Ma'am no problem. Ako na ang bahala sa anak niyo." "I want to warned you before I leave. Don't make the children come near him, he becomes wild," nagdadalawang isip na sabi nito na ikatango lang ng gu

