Audrey IBINIGAY ko kay Liam nang matapos ko ang pinagagawa niya sa akin. Masusi niya itong tiningnan at mukhang wala pa namang pinababago. Umangat siya nang tingin sa akin at sinabing, “Kung tapos ka na sa ginagawa mo, sumama ka sa’kin may meeting ako sa labas.” “M-meeting, Sir?” Nagtataka ako kung bakit kailangan ko pang sumama sa meeting. Gawain ba talaga iyon ng sekretarya? sa loob-loob ko. “Ah, saan ba ‘yong meeting, Sir?” tanong ko. “Diyan lang sa malapit sa café. Maghanda ka na at aalis na tayo,” sabi niya habang inililigpit ang kaniyang laptop. Napamaang ako at napatingin sa aking relo. “Late ‘yang relo mo ‘di ba? Kaya ‘wag mo nang asahan na bibigyan ka niyan ng matinong oras,” sabi niya sabay may kinuha sa kanyang drawer at iniabot sa akin. “Ano ‘to, Sir?” tanong ko. Isang

