21

3370 Words

Ang alam ko na kapag kasal ay masaya. Iyon ang alam kong nararamdaman dapat ng ikakasal. Pero ni katiting nun ay wala akong maramdaman sa dibdib kk. Wala akong makapang kasiyahan sa puso ko. Buong linggo akong umiiyak. Walang ganang kumain at nilalabanan ang sarili na huwag tapusin ang buhay. Desperado akong lumayas para makita si Leon. Mula ng iwanan ko siya ay wala na akong balita na narinig mula sa kanya. Gusto kong malaman kung kumusta na siya. Kung nakauwi ba siya ng ligtas sa kanila. "Napakaganda mo, anak." masayang sabi ni Nanay habang nakaharap kaming dalawa sa salamin. Ito na ata ang pinakamagarbong kasal sa bayan ng San Rafael. Ang pag-iisang dibdib namin ni David. Hindi ito ang pinangarap ko. Wala ito sa listahan ng pangarap ko. Pumatak ulit ang luha sa mata ko habang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD