Ang mga sumunod na araw ay naging mabilis para sa akin. Hindi ako makapaniwala na patapos na ako sa problemang kinahaharap ko. Leon stayed with me for the next couple of days habang hinihintay namin ang huling hearing ni David kung saan babasahan siya ng ruling. Hindi na kami nagpunta pa sa korte pero naroon si Sebastian bilang representative ko--at ngayon ang araw na iyon. Hindi ako mapakali kahit pilit kong inaabala ang sarili ko sa pagluluto. Nakabalik na kami sa penthouse ni Leon at ako ang nag-prisenta na maglinis, magluto , at gumawa ng lahat ng gawaing bahay. Lahat ay gagawin ko para lang mawala sa isipan ko ang negatibong pumapasok sa isipan ko. Paano kung kakilala ng mga Mariano ang hurado at nabayaran? Baka mabaliktad yung dapat na ruling sa kanila. Kapag naging not guilty a

