Darana's POV Papasok na ako ng Gama Cafe bitbit ang mainit na cup ng caramel latte. Halos sabay ng pagbukas ko ng pinto ay boom! May nabangga ako. "Ay! Sorry!" Mabilis kong sabi habang hinahawakan ang tasa para hindi matapon. Pag-angat ko ng tingin, nanlaki ang mga mata ko. Oh great. Si Caleum. "Uh, ikaw pala." Sabi niya. Medyo nagulat din. Nakita ko kung paano siya bahagyang napaatras at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri kung ayos lang ako. "Yeah, ako pala." Sagot ko na may pilit na ngiti. Tahimik. As in literal na awkward silence. Parang biglang bumagal ang paligid at tanging amoy ng kape at acoustic music mula sa loob ng cafe ang naririnig ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin. At base sa itsura niya, mukhang ganun din siya. "So, uh, ikaw. Dito ka rin pal

