Caleum's POV Maaga pa lang ay gising na gising na ako. Duty ko na naman ngayon sa internship ko. Alam kong magiging sobrang busy na naman ang araw ko kaya bago pa lang ako pumasok sa office. Sinilip ko muna ang phone ko. As expected may message na agad si Darana. Darana: Good luck sa trabaho mo today, Caelum! Kaya mo iyan. Napangiti ako nang mabasa ko iyon. Kahit simpleng message lang nakakagaan na ng araw. Hindi ko alam kung bakit pero lately iba yung saya na nadarama ko tuwing nag-uusap kami ni Darana. Hindi ko pa man lubos na sinasabi pero ramdam kong may nabubuo nang kakaiba sa pagitan namin. Pagdating ko sa opisina ay sinalubong na agad ako ni sir Kent. Ang head namin sa marketing department. "Caleum, pakibalikan yung progress report na ginawa mo kahapon. Kailangan nating i-prese

