Caleum's POV Weekend ngayon. Sabado. Medyo magaan ang pakiramdam ko ngayong araw kumpara sa ibang araw. Siguro dahil wala akong internship, wala ring klase, at mas maluwag ang schedule ko. Pagmulat ko ng mga mata sa condo ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Darana. Naalala ko yung mga huling gabi na nag-uusap kami sa Messenger. Ang dami naming napag-usapan. Mula sa simpleng mga klase hanggang sa trabaho niya sa 24/7 Convenience Store. Ang nakakatuwa kay Darana kahit pagod siya nakukuha pa rin niyang magpatawa o kaya mag-share ng mga bagay na simple lang pero ramdam mong galing sa puso. At doon ko naisip na oras na siguro para magkita kami sa labas. Hindi lang sa school. Hindi lang sa kung anong sadyang pagkakataon. Kaya nag-message ako. Ako: Uy, free ka ba today? Tara mall tayo. Da

