Elca
Hindi nga nag bibiro si Axel dahil tinotoo nga niya ang pag lipat sa Pilipinas. Hindi pumayag si Mark na mag resign siya dahil Hindi naman daw kailangan. May Mondragon Medical Hospital din kasi dito sa Pilipinas at sa ibat ibang parte ng Mundo ganito kayaman ang mga Mondragon. Ang ibang paseyente ni Axel sa America they chose to stay with him lahat ng consultation will be through video call at willing silang lumipad sa Pilipinas kung kailangan nila ng in person medical appointment ganon ka galing na cardiologist ang baby ko. Kaya nga pati puso ko na angkin na niya. Alam kong nahihirapan din si Axel na makapag adjust ng lumipat siya dito sa Pilipinas pero ginawa niya dahil mahal niya ako kaya naisip ko tama lang na pakita ko din sakanya na mahal ko din siya na kaya ko ding magsakripisyo para sakanya.
“Hello.. good afternoon, nandiyan ba si Doc Axel or may pasyente pa siya” pinag dala ko siya ng lunch gusto ko Sabay kami kumain.
“Opo, mam may pasyente pa po” tumango ako at na upo muna habang nag aantay ako na makalabas ang pasyente.
“Don’t be a stranger ok, I’ll see you soon love” napalingon ako ng marinig ko ang pamilyar na Boses na palabas sa office ni Axel.
“Axel, what the h3ll is she doing here!!” At ang kapal ng muka na love nanaman ang tawag niya sa baby ko.
“Baby.. you’re here.. anong ginagawa mo dito?” Napakunot ang noo ko dahil imbes na sagutin ang tanong ko ay tinanong din niya ako ng walang kwentang tanong.
“Ang tanong ko ang sagutin mo Axel” pinipigil kong lumakas ang Boses ko dahil may mga pasyente pang nag aantay.
“Well obviously I’m here to visit Axel ano namang masama don” singit ni Kristina. “Axel totoo ba pinayagan mo siyang bumisita saiyo?” I don’t get it Kaya nga siya lumipat dito sa Pilipinas ay para maka iwas kay Kristina tapos hahayaan lang niyang makalapit ito sakanya ng ganon nalang
“A-ano kasi baby.. nandito kasi siya sa pilipinas kaya naisipan niyang dumalaw, yun lang”
“Ah ganon ba?! Oh eto lunch niyo! Sabay na din kayo kumain!!” Inabot ko ng pabalang ang dala Kong paper bag na may pag kain.
“Baby wait..” Sinundan niya ako pero mabilis akong nag lakad patungo sa parking lot. Sumakay ako kaagad sa kotse ko at pinaharurot ko ito.
“Elca wait!!” Mas dama ko ang inis kesa sa selos. Naiinis akong hinahayaan niya si Kristina na umaaligid aligid sakanya. Imbes dumiresto ako sa Bahay ko ay nagtungo ako kila ate Celest.
“Oh napadaan ka yata..” nagulat ang ate Celest ng makita niya ako. “Oo ate na missed ko kayo ng mga bata tska ang luto ni Manang” alam kasi niya Friday night ako lagi nadalaw sakanila eh Tuesday palang. “Wala ka bang pasok?” Umiling ako habang patungo sa ref nila para kumuha ng tubig.
“Tapos na klase ko ate kaya naisipan kong mag lunch kasama ka” tumaas ang kilay nito. “Himala at Hindi kayo ni Axel ang Sabay mag lunch?” Nag iwas ako ng tingin sakanya at nilagay ko ang baso sa lababo paalis na sana ako pero nakita ko si Manang kaya hinugasan ko na din ang baso char!
“Busy siya maraming mga pasyente” naupo ako sa sofa nila sa living room. I checked my phone ang daming tawag ni Axel at mga text kaya pinatay ko muna ang cellphone ko.
“May problema ba Miracle? Tell me kapatid mo ako para saan pang naging ate mo ako” nag buntong hininga ako.
“Ate.. may mga pinag selosan ka din bang babae kay kuya Romeo?” Napangiti ito sa narinig niya.
“Ah sus! Sabi na nga ba kaya ka nandito hindi dahil sa missed mo ang ate mo dahil may problema kayo ni Axel gurang!” lumapit ako sakanya at niyakap ko siya.
“Missed din kita kayo ng mga bata..” Totoo naman na missed ko sila dahil binuhos ko na talaga ang buong atensiyon ko kay Axel ng lumipat siya dito sa Pilipinas. Halos doon na nga ako tumira sa Bahay ni Axel.
“So ano Ate.. meron ka bang pinag selosan noon? At paano ba malalaman na tama lang na mag selos ako” hindi ko kasi alam kung OA lang ako oh talagang tama ang kutob ko sa Kristina na yun.
“Woman’s intuition is real baby girl.. so kapag may kutob ka asahan mong totoo yun, kung nagseselos ka that means na may dahilan ka para mag selos at kung ngayon palang binigyan ka na ni Axel ng dahilan para mag selos hiwalayan mo na he’s not the right man for you” si Ate naman hiwalay agad.
“Remember Miracle, kapag ang lalaki mahal ka hinding hindi ka niya bibigyan ng rason para makaramdam ng selos he will make you feel secure” patuloy ng ate. I trust Axel naman kay Kristina ako walang tiwala.
“So ikaw never kang may pinagselosan kay kuya Romeo?” Tanong kong muli. “Naku! Kay kuya Romeo mo pa! madami! malandi yan eh, lalo na ng Hindi pa Kami super landi kaya selos na selos ako pero Ngayon kasal na kami at may mga anak na hindi na niya ako binibigyan ng dahilan para magselos” so kailangan kasal at may anak na para malayo sa tukso ang lalaki.
“Bakit mo ba natanong? May pinag seselosan kaba?”
“Oo ate yung first love niyang umaaligid aligid pa din sakanya, siya din ang dahilan Bakit nag pasya si Axel na lumipat dito sa Pilipinas pero yung malanding babae sinundan si Axel dito” bakas na bakas sa Boses ko ang inis.
“Ang kapatid ko dalagang dalağa na talaga dahil may problemang pag ibig na, sa gurang nga lang na in love”
“Ate naman eh..” maktol ko
“Ok gusto mo ba itago kita kay Axel ng ilang araw para mabaliw kakahanap saiyo? Oh gusto mong i pa block list ko yang malanding babae na yan sa Pilipinas” wala naman sa isip ko ang mga suhestiyon ni Ate.
“Gusto ko lang ate makasigurong tama lang na nag seselos ako yun lang, Hindi naman ako mali diba? May dahilan naman ako para mag selos?” Para akong batang nag susumbong kay Ate Celest at nag susumamong panigan niya ako.
“Tama ka naman Miracle, may dahilan ka nga para mag selos, pero Huwag mo ding hayaang masira ang relasyon niyo ni Axel dahil lang sa malanding higad”
“Ah mam, nasa labas po si Doc Axel hinahanap si mam Miracle” Sambit ng isa sa mga security. “Papasukin mo ng maka usap ko yang gurang na yan” sagot ni Ate Celest.
“Ate Huwag mo naman pagalitan please”
“Baby..-
“Anong baby! Pina iiyak mo lang itong kapatid ko baby ka diyan!” Hinawakan ko si Ate sa kamay niya.
“Baby alam mong mahal na mahal kita, Hindi ko alam na darating si Kristina sa hospital Hindi ko naman ma ipag tabuyan yung tao pero sinabihan ko siyang Huwag na akong puntahan ulit” nag susumamo ang mga tingin niya saakin.
“Ano Miracle maniniwala ka ba diyan kaagad, kung ngayon palang pinaiiyak ka na ano pa kaya pag kasal na kayo” lalong nataranta ang itsura ni Axel.
“Celest Hindi ko magagawang paiyakin at saktan ang kapatid mo mahal na mahal ko siya” sagot ulit ni Axel.
“Eh ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon! Pinapatawa mo siya?! Sabihin mo lang Miracle kayang kaya kitang itago diyan kay Axel yung hindi ka na niya makikita Kahit kailan” humakbang si Axel palapit saamin pero Namilog ang mga mata namin ni Ate Celest ng lumuhod ito sa harap namin.
“Please baby, hear me out first, you know I can’t live with out you ikaw ang buhay ko baby please patawarin mo na ako, I will do everything, sasabihin ko sa mga guard sa hospital na Huwag na siyang Papasukin muli, Kahit ano gagawin ko Celest Huwag mo lang ilayo saakin ang kapatid mo, ipa bugbog mo nalang ako kung gusto mo” halos madurog ang puso ko sa sinabi ni Axel lalo na at nakaluhod siya ngayon sa harap namin. Nagulat kami ng biglang sumulpot si kuya Romeo at nag hulog ng pera sa harap ni Axel.
“Oh ayan lang cash ko bro, Hindi ko alam nag hihirap ka na pala at namamalimos ka” si kuya Romeo talaga Kahit kailan,
“Oo namamalimos ako pero Hindi pera, namamalimos ako ng pag ibig kay Elca”