Elca
“First love?” Akala ko ba ako lang ang minahal niya ng ganito. Baka puppy love.
“Who’s with you Axel? Patient mo?” Maarteng tanong nung Kristina. “Eh kung bigyan ko kaya siya ng mag asawang suntok para siya ang maging pasyente” inakbayan ako ni Axel.
“No, she’s my girlfriend her name is Miracle De Silva but I call her Elca most of the time baby” Siraulo ulo to kinilig ako don. Pa galit na ako biglang napalitan ng kilig.
“May girlfriend ka na anak?” Mag kahalong gulat at lungkot ang nasa muka ng mommy niya. Kaya hindi ko alam kung masaya ba siya sa balita ni Axel.
“Yes mommy and hopefully soon my wife” mga banat talaga nito nakaka ngilo ng ipin sa kilig.
“Nice to meet you Miracle, I’m so sorry Hindi nabanggit ni Axel na kasama ka niya so I invited Kristina, I hope you don’t mind iha that she’s joining our dinner” ngumiti ako ng hilaw.
“Of course, not at all, this is your house mam. You can invite anyone you want” totoo naman sinabi ko wala naman akong magagawa kahit na ayokong makasabay sa dinner ang first love ni Axel.
“That’s enough drama come here iha give your daddy a hug” nagulat ako ng bigla akong yakapin ng Daddy ni Axel. Ang laking tao nito at mataba din Kaya parang Hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya.
“Welcome iha and let’s eat gutom na ako” yaya nito.
“Gutom nanaman! Yan ang sabihin mo, I’m telling you Reginald, kapag hindi ka tumigil sa ka-kakain aatekihin ka na sa puso” bumulong saakin ang Daddy ni Axel.
“She’s menopause kaya masungit” pinipigilan kong matawa dahil baka ma bad shot ako sa mommy ni Axel.
We are now at the dinning area. Isa isang inilabas ang mga pagkain at ipinatong sa lamesa. Unang nilapag saamin ng private chef nila ang appetizer.
“Cranberry and bacon swiss cheese dip serve with thin slices of French bread” Sambit ni Chef. Pareho kaming napatango tango ni Axel it’s really good.
“It’s tasty” ngumiti saakin si chef na tila natuwa sa sinabi ko.
“So iha, how old are you? You look so young” tanong ng mommy ni Axel. Pinunasan ko muna ang labi ko bago ako sumagot.
“I’m twenty po” nag katinginan silang mag asawa. “And do you know that my Axel is already thirty eight?” Tumango naman ako. “Yes po, age doesn’t matter naman po, isa pa he doesn’t look like his in his thirty’s” pinisil ni Axel ang hita ko.
“Where do you guys meet? Do you work?” Maarteng tanong nung Kristina.
“I’m still in school” tipid kong sagot. “Are you paying for her Tuition Axel” segundang tanong ni Kristina.
“What?! No! Of course not what kind of question was that” dama ko ang inis ni Axel dahil ako man ayoko ang gustong iparating nito sa sinabi niya.
“Calm down son, she just wants to make sure you’re not a sugar daddy hahaha” natatawang singit ng Daddy ni Axel. “I can be her sugar daddy if she wants but she doesn’t need my money if that’s what you’re trying to say” huminga ng malalim si Axel.
“Why? Did she come from a rich family? Saan ba kayo nag kakilala” hinawakan ko ang hita ni Axel.
“Why you’re so interested about my status?, ang importante saamin ni Axel ay mahal namin ang isat isa” hinalikan ni Axel ang kamay ko,
“Oh common Elca, if Axel is just an ordinary 38 years old man you’re not going to like him, you like him because he’s successful and rich-
“Enough!!!” Sigaw ni Axel.
“Axel! Stop yelling! Nasa hapag tayo ng kainan” awat ng mommy nito. Pero si Kristina Hindi niya inaawat mambastos ng bisita. And daddy naman ni Axel patuloy lang sa pagkain.
“Why!! It’s true!! I just want to protect your hard work love!” Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pa love niya kay Axel.
“Stop calling him love Hindi mo na siya boyfriend” mariin kong sambit.
“Kung Hindi ka titigil Kristina you may leave now or kami ng girlfriend ko ang aalis, Hindi ko siya dinala dito para bastusin niyo lang siya” Tumayo si Axel at hinawakan ang kamay ko
“Wait son, dont leave.. please.. Kristina let’s have a peaceful dinner, I’m sorry it’s my fault, I invited Kristina here when you told me you’re coming to dinner I didn’t know you have a girlfriend anak” Hindi na muling nag salita pa si Kristina pero kitang kita mo sa muka niya ang inis.
“Coral, why don’t you think about the bright side, Elca is young she can give us plenty of grand children” sambit ng Daddy ni Axel. Parang gusto kong mabulunan sa sinabi niya. I don’t even know kung Kaya kong mag buntis dahil sa kondisyon ko.
“That’s true, anak, Elca igawa niyo na ako ng apo please” tuluyan na nga akong nasamid.
“Are you ok?” Uminom ako ng tubig at tumango kay Axel.
“Why Elca? Don’t tell me ayaw mong mag buntis or you can’t get pregnant?” Hirit nanaman ni Kristina hindi talaga mapigil ang bibig.
“We’re working on it mom, gusto munang mag tapos ni Elca ng pag aaral diba baby?” Is he seriously asking me that question. He knows my condition.
“Ah.. Opo,” sumang ayon na lang ako.
Bukod kay kristinang ampalaya naging ok naman ang dinner. Her mom is nice at mukang nagulat lang na sobrang bata ko, ang daddy naman ni Axel Napa ka chill lang basta busog siya no problem siya.
“Pasyal kayo ulit dito anak, at sana pag balık niyo may laman na ang tiyan mo Elca”
“And if she can’t give you a baby Axel I can.. let me know” malapit na talaga siyang masabunutan saakin.
“Kristina! Kung Hindi mo kaming kayang respetuhin kahit sarili mo nalang don’t act so desperate” hinawakan ko ang braso ni Axel. Mukang napigti na nga ang pasensiya niya sa babaeng ito.
“I just can’t believe why we can’t go back to what we used to be! Hindi ako susuko Axel hanggat hindi kapa kasal paglalaban ko ang nararamdaman ko saiyo! Hindi ka para kay Elca para ka saakin!” Matapos ay padabog itong lumakad palayo saamin at sumakay sa kotse niya. Nag paalam na din kami sa mga magulang ni Axel dahil malayo layo din ang byahe namin.
Tahimik kaming dalawa ni Axel sa loob ng kotse niya. Marami akong gustong itanong pero hindi ko alam saan ko sisimulan.
“Baby.. pasensiya ka na kay Kristina, spoiled brat yun kaya nga nag hiwalay kami dahil sa ugali niya” sinulyapan ko si Axel,
“Is it true she’s your first love?.. sabi nila first love never dies totoo ba?” Napakunot ang noo nito. “No, mga bata pa kami non ok, ikaw lang Baby ikaw lang ang nag iisang babaeng minahal ko ng ganito” Hindi ako kumibo kaagad.
“So she lives here in the US, kapag nasa Pilipinas ako do you guys see each other?” Hindi siya kaagad sumagot. “Yes, but not what you think ok! She sometimes go to my job but as much as I can I’m avoiding her, kahit noon pang hindi pa kita kilala iniiwasan ko na siya” naiinis ako dahil laging mas matagal si Axel sa US kesa sa pinas ibig sabihin mas mahaba ang panahon na pwede niyang malandi ang baby ko.
“She said she won’t give up on you.. eh yung work at life mo nandito kung saan siyan nakatira, samantalang ako nasa Pilipinas how can I protect what’s mine”
“Hey.. don’t over think it, she’s nothing to me ok, that’s why I’m asking you to move back here with me para hindi na tayo mag kalayo” dama ko naman na hindi ako kayang lokohin ni Axel pero alam ko din na walang relasyong pang habang buhay kapag may malanding nabubuhay at aali- aligid.
“Bakit ako ang mag a-adjust why don’t you move in the Philippines” I don’t mean it. Alam ko naman na dito ang buhay niya wala lang akong maisagot.
“Ok.. I’ll talk to Mark” napa tingin akong bigla sakanya.
“Seryoso ka?! I will never ask you to choose between your career and me”
“I’m serious, lahat ng hingin mo saakin basta kaya kong ibigay ibibigay ko at kung ang ikakapanatag ng loob mo ay ang makasama ako sa Pilipinas gagawin ko dahil mahal na mahal kita Miracle” halos Malusaw ang puso ko sa narinig ko sakanya. Gusto Kong maiyak sa tuwa.
“Axel..” hinawakan ko ang kamAy niya.
“I love you Elca I hope you know that by now, you are my life so please don’t break my heart baka ikamatay ko”