Chelsea’s POV NANG ma-realized ko na mali ang ginagawa ko, itinulak ko si Nikolas at saka ko siya sinampal. Nabigla man ako sa ginawa ko ngunit hindi ko ipinakita iyon sa kanya. Lumayo ako sa kanya. Pagkabigla ang mababanag sa guwapong mukha ni Nikolas. Nang mahimasmasan ay bigla siyang nagyuko. “I am so sorry na-carried away lang ako,” anito na hindi nakatingin sa akin. Hindi na ako nagkomento pa sa kanyang sinabi. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa labas ng bintana. Ngunit ang t***k ng puso ko ay hindi magkamayaw sa mabilis na t***k nito. At ang aking kamay ay nanginginig, ngunit hindi ko alam kung para saan iyon. Dahil ba hinalikan niya ako o dahil naging mahina ako sa tukso na dapat paghihiganti ang nasa isip ko at hindi ang makipaglandian sa kanya. Sa ilang minutong katahimikan

