Chelsea’s POV TAHIMIK lang akong nakatingin sa labas ng bintana kahit wala naman ang pokus ko sa nakikita ko sa dinadaanan naming lugar. Habang si Lucifer naman ay tahimik ring nakatingin sa akin. Pagkatapos kong umiyak kanina sa ibabaw ng dibdib ni Lucifer ay agad niya akong hinila palabas ng restaurant. Ni hindi ko na nakita kung ano ang naging reaksyon ng dalawa. Lalo na ang pekeng si Chelsea. Gusto ko pa sana siyang saktan kanina ngunit pinigilan ko lang ang sarili ko at baka mapatay ko siya. Napakasama niyang nilalang upang sabihing mang-aagaw ako, siya itong nang-agaw ng katauhan ko. Sandaling katahimikan ay binasag ni Lucifer ng isang tanong. “Do you still love him despite what he did to you?” tanong niya kaya napalingon ako sa kanya. Natahimik ako nang ilang minuto at tangin

