Nikolas’s POV PINUNTAHAN namin ni Larius ang kaibigan naming si Logan Dela Costa. Marami kasing kaibigan iyon na makatutulong sa amin. “Hey, brod, kumusta,” bati sa amin ni Logan Dela Costa nang dalawin namin siya sa kampo kung saan siya nagtatrabaho bilang sundalo. Napakalaki ng mga muscle niya, namumutok sa uniform nitong Philippine Air Force. Nag-man hug kami. “Long time no see sa mga muscle mo, brod,” birong wika ni Larius at saka nag-man hug rin sila. “Ano ang atin at naparito kayo sa Villamor Air Base,” anito saka itinuro niya ang uupuan namin ni Larius. We sat on the chair at si Logan naman ay sa kabilang upuan umupo. “We need your help. My fiancee was kidnapped,” wika ko. “Ini-report niyo na ba sa pulis ang nangyari?” tanong niya. I nodded. “Pero kailangan ko ng agarang

