Chelsea’s POV “KAILANGAN nating itago si Daddy. Alam kong hahanapin siya ng mga tauhan ni Tito Ryan para patayin ng tuluyan.” Sabi ko kay Lucifer na ngayon ay seryosong nakatingin kay Daddy. “Don’t worry safe siya. Mabuti na lang at sumama ang bodyguard na itinalaga ko para sa iyo. Paano kung hindi? Baka isa ka na rin sa nabaril.” Aniya na napaiiling ang kanyang ulo. “Talagang pursigido silang patayin kami. Nag-aalala ako para sa kaligtasan ng ate Camila ko. Baka naman siya ang susunod na target.” “Nagtalaga na rin ako ng bodyguard niya na hindi niya nalalaman na umaaligid sa tuwing siya ay nasa labas.” Napangiti ako sa sinabi ni Lucifer. “Salamat, Lucifer, sa tulong mo sa akin. Hindi ko alam kung paano ako makababayad sa lahat ng kabutihan mo para sa akin. Napakabuti mo sa akin.”

