Yumi’s POV "Alam mo ba para kang tanga dyan. Hahaha." Tinignan ko ng masama ang katabi kong kupal. Ano ba kasing ginagawa niya dito? "Kapag hindi ka mahal, hindi ka mahal. Kailanman, hindi natuturuan ang pagibig." Bahala ka dyan pumutak ng pumutak. "Mga SEXY at magaganda lang ang type nung si Phil. Parang si Martha lang at yung kasama niya kanina sa mall." Punyeta! Di ba talaga ako tatantanan ng lalaking to? Bakit kasi dinala dala pa niya ako dito e. Bwiset! "Pwede ba umalis ka na nga lang dito. Wala ka namang alam sa nararamdaman ko e, kaya please lang tumahimik ka na. Oo na, di na ako sexy at lalong lalo ng di ako maganda kaya nga ako niloko ni Phil, diba? Kaya wag mo ng ulit ulitin. Nakakainis ka na e!" Dire-diretso kong sabi. Napupuno na ako sa lalaking to e. Bakit ba kasi nand

