Dean's PoV Nakatingin ako kay Shyra habang pinapakain nito ng merienda ang pamangkin ko, mula noong dumating si Shyra ay nabawasan na ang ingay ng mga katulong sa bahay ko sa pagsuway kay Ice. Habang nakatingin ako kay Shyra ay naiisip ko ang mga sinabi nito kanina kay Channel dahil ito lang ang bukod tanging nakagawa no'n sa nobya ko. Sa ugali ni Channel walang katulong na nakatagal sa akin. Bukod sa napakaselosa ng nobya ko ay masiyado din itong demanding. Napansin yata ni Shyra na tinitignan ko siya kaya naman binalingan ko ang juice at ininom iyon kahit na hindi naman ako nauuhaw. "Bossing, day off ko na nga pala bukas. Lunes na ako ulit ako niyan babalik?" mahinang tanong niya sa akin. "Bakit naman lunes? Linggo ng hapon, 24 hours lang ang day off mo," seryosong sagot ko. Hindi n

