Dean’s PoV NAKATINGIN ako kay Shyra habang nasa tabi ko siya. Binitawan ko na rin ang kamay niya dahil hinila niya iyon sa akin. Dumistansiya ito sa akin at nakiusyoso sa mga home owners na naroon. Nakilala ko ang isang nakasibilyan na pulis na naroon sa loob ng bahay ni Rigo. Hindi ito kasama ng mga police officer na nakasalubong namin kanina ni Shyra. Si SPO2 Luigi Fernandez, kaibigan namin siya ni Marlon. Sa kanya ako kumukuha ng mga impormasyon tungkol kay Don Simon. Binalingan ko si Shyra na nakikipagdaldalan sa mga matatanda. Napailing na lamang ako dahil hindi lang ito loka-loka, napakatsismosa din pala. “Bossing, napano ba iyang mga hinuli ninyo?” kaagad na tanong ni Shyra sa mga pulis. Nakatingin ito sa mga nakaposas na sina Rigo at mga kasama nito na tila wala sa mga sarili.

