Luna’s PoV KANINA ko pa nararamdaman na panay ang pag-vibrate ng isang cellphone ko sa aking bulsa. Pasimple kong inilabas iyon at tinignan ang text messages na nasa inbox ko. Mga text messages iyon na galing kay Leslie, nasa office daw ngayon si Daddy at kanina pa ako hinahanap dahil may importanteng business meeting kami na pupuntahan. May calls din ito na hindi ko nasagot. Tumingin ako kay Helium at pasimpleng sumenyas sa aking kamay. Itinaas ko ang aking hintuturo at ikinuyom ang aking kamay sabay turo sa main door. Alam na ni Helium na gusto kong umalis. Kinuha ko ang isa kong cellphone sa aking bulsa at mabilis na tumipa sa keypad para sabihin kay Leslie na papunta na ako sa meeting place namin ni Daddy. Mabilis na rin akong nag-text kay Viper na kailangan naming umalis ni Helium

