Chapter 10 Belle's POV "Ituloy ninyo ng anak ko ang kasal." Napaangat ang tingin ko kay Tito Carlos. kanina pa ako nakatungo dahil nahihiya ako sa kaniya. Alam kong mali ang ginawa namin, at hindi iyon maitatama ng mga rason ko. "Tito, ano pong ibig ninyong sabihin?" "Sabihin na lang natin na ia-arrange ko kayo kapalit ng pagkalaya ng ama mo." Napailing ako. Gustuhin ko man pumayag sa gusto ni Tito dahil ang kapalit na ay ang kalayaan ng papa ko, pero hindi puwede. "Tito, si Peter po." Alam kong sa oras na pumayag ako kay Tito ay mababago na ang mga plano namin. Hindi na namin idaan sa annulment ang lahat. "Ako nang bahala. Pakakasalan mo ba ang anak ko?" "I'm sorry po." *** Mula sa pagkakatingin ko sa paa ko ay itinaas ko ang paningin ko sa langit. Napakaraming bituin sa l

