Continuation
Habang abala sa pagmamaneho
ay biglang nahagip ng mata ko si kimberlyn at jazz na masayang nagtatawanan sa park
Diko maiwasan makaramdam ng inis
kanina lang ay nawrong sent sakin at ngayon magkasama na sila
tapos kapag exam walang maisagot
puro bulakbol
rumihistro sa utak ko ung suot nya kanina habang nakasando
erase
erase
bryden anu bang iniisip mo
nahampas ko ang manibela sa pagkainis ko sa sarili ko
May problema ba babe?'tanong ni paulin
ngumiti lang ako
wala'at ipinokus ang tingin sa kalsada
Pagdating sa hospital
Halos dikuna makilala si daddy dahil sa laki ng ipinayat nito
tumanda narin ang itsura nito
matagal narin kasi bago ko sila makita
may anim na taon narin akong hindi nagpapakita sakanila
naikuyum ko ang kamao ko
nasasaktan akong nakikitang nakaratay ang mahinang katawan ni dad
gusto kong sisihin ang sarili ko
Anak'tawag nito sakin
nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang emosyon hinawakan ko to sa kamay
Im sorry dad naging selfish ako'hindi kuna napigilan pang maluha
Patawad din anak hinahadlangan kita sa gusto mo sa buhay'naiiyak narin si dad
No ..kasalanan ko dad iniwan ko kau at hinayaan ko kaung patakbuhin ang company ng mag isa na dapat ay tinutulungan ko kayo'
Anak hindi ko alam kung kelan ako mawawala nasa tamang edad kana pero hanggang ngayon wala ka paring pamilya'hinawakan ni pauline ang kamay ko
oo nga anak gusto narin namin makita ang apo namin'mom
apo ko sa tuhod'grams
Im sure nagpaplano napo si bryden para ituloy ang naudlot naming kasal'pauline
talaga ba pauline naku gustong gusto pa naman kita para sa anak ko'mom
tamana yan hayaan nalang natin magdesisyon si bryden nasa tamang edad nasya basta kapag handa kana anak'dad
Magpagaling ka daddy para makita mo ang magiging apo mo ha?'pilit kung ngiti
so kelan muba balak umuwi na anak at pumalit sa company?'mom
Hmm pwedi po bang tapusin ko ang taon nato sa pagiging teacher sa university namahal narin kasi sakin ang pagtuturo isa pa third grading narin'
ikaw ang bahala anak pero masaya akong nakita na ulit kita anlaki ng pinagbago mo mas lalo kang gumawapo'dad
hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni dad at nangiti
*****
Kagabi kupa tinitignan kung may tao sa kabilang bahay pero wala
patay parin ang ilaw
hindi siguro umuwi si bryden
baka naglive in nasila ng jowa nia
saklap naman kimberlyn
sabi na kasing give up e
Inayos kuna ang tali ng buhok ko
at naglakad na pababa ng kwarto
pasok nako may pay!'paalam ko
paglabas ko ng gate ay may kotseng huminto sa harap ko
binaba nito ang salamin sa bintana ng kotse
Your late delatorre kung maglalakad ka papasok ng university'sinilip nito ang relo'malalate ka ng 30mins may quiz tayo'sabi nya
tinitigan kulang to
sa pagkakaalam ko wala naman tong kotse nagbago din ang itsura nya parang naging elegante
Magtititigan nalang tayo ms delatorre?'tanong nya kaya nagising ako sa riyalidad
binuksan kuna ang pinto at sumakay
anong ginagawa mo jan?'kunot kilay nyang tanong
sabi mo sakay?'tanong ko
Muka bakong driver?umikot ka at dito ka sa tabi ko maupo'turo nya sa tabi nia
tumayo nako at umikot
Okay naba ?'sarkastiko kung tanong
inirapan lang ako nito
i told you ..magreview ka pero anong ginawa mo nag gala sa park with jazton mendoza'masamang titig ang binato nito sakin
nagreview kaya kami ! palibhasa hindi ka umuwi kagabi hindi mo narinig ung boses namin sa kwarto!'
Sa kwarto kayo nagreview!'inis nyang tanong
eh san muba gusto sa salas o kusina o sa Cr?'tanong ko
Pinipilosopo mu bako?'tanong nya
hindi muka ba ?nagtatanong kaya ako anghirap magreview alam mo naman ang ingay ingay nila mamay matututo kaba nun'irap ko
bakit natutu kaba nung nasa kwarto kayo ?may pumasok ba sa maliit mong utak lahat ng nireview nio kamo ni mendoza !'aga aga highblood ng isang to
eh ano bang pakialam mo sr.bryden eh ano kung sa kwarto kami nagreview bat ba G na G ka ?!ikaw nga hindi umuwi magdamag nagtanong ba ko?'nakakainit narin talaga ng ulo ang bakulaw nato!
Nasa hospital ang daddy at dun nako dumiretso sa bahay namin'mahinahon nyang sabi bakas sa boses ang lungkot
talaga nasa hospital ang daddy mo anong sakit?'usisa ko
chismosa ka?'balik sa kunot kilay
alam mo ang gulo mo bahala ka nga jan ikaw nagsabi sabi tas nung tinanong chismosa pa pala ko tsk'irap ko bago humarap sa bintana
by the way congrats angganda ng girlfriend mo'sabi ko habang nakaharap sa bintana
selos ka?'hinarap kusya anglapad lang naman ng ngiti nito
Bat ako magseselos kadiri'irap ko
Talaga ba love?'mabilis na nag init ang pisnge ko
L-love mo muka mo!'irap ko
Nagulat ako ng bigla nyang ilapit ung muka nya sa muka ko
sobrang lapit
hindi ako makahinga
ilang inch nalang magdidikit na labi namin
halikan ko kaya hahahaha
Nextime magkakabit ka ng seatbelt gusto mo bang matickitan tayo may check point'
napapikit ako at nakagat ko ang ibabang labi ko
napaka asumming mo talaga nakakainis !!!
kung naririnig nia lang ung sinasabi ko sa utak ko nakakahiya talaga
ng idilat ko ang mata ko
malapit parin ang muka nya sa muka ko
kunot kilay tong nakatitig sakin
kita ko ung pagbaba ng tingin nya sa labi ko
paglunok nya
A-ah sr b-bryden'biglang layo to at umayos ng upo nagdrive nato
Hindi na kami nag imikan ang awkward naman kasi talaga e
your blushing'sabi nya at biglang tawa
hinawakan ko ang dalawa kong pisnge
at mabilis na itinago ang muka sa buhok
Paghinto palang ng kotse at mabilis akong bumaba at tumakbo paalis
mygod nakakahiya !!
Pagpasok sa room
Kinulong ni jaz sa malaki nyang palad ang muka ko
Hoy anong ngyari bat namumula ka pawis na pawis kapa?'nag aalala nyang tanong
para kang hinabol ng sampung impakto ah'habol pa nya
w-wala no HA HA ok lang ako'umayos nako ng upo
maya maya pa ay umayos na ang iba naming kaklase sa pag upo
at pumasok na ng kwarto si sr
Tumitig muna to sa direksyon ko kaya tinago ko ang muka ko sa bag ko na nakapatong sa ibabaw ng table ko
Get one whole sheet of paper'sr bryden
kaya kumuha nako ng papel sa bag
Mendoza at delatorre maghiwalay kayo ng upuan'utos nya
po bakit po?'tanong ko
anong bakit?'sr bryden
wala po'tumayo nako
dito ka sa harap'turo nia sa bakanteng bangko sa harap
Padabog kung kinuha ang bag ko at naglakad
Dinaanan kuto ng tingin pero nakatitig pala sakin to
inirapan kulang to
Na kinatawa nya ng palihim
nag umpisa na silang magsagot at ako eto nangangamote
at panu kaba naman magsasagot kong nakatitig to sakin habang nakacross arms
30mins nalang bago mag break ms delatorre at wala pang laman yang papel mo'turo ng daliri nya sa relo nya habang nakangiti
Halos mabali ang ballpen na hawak ko at mabutas ung quiz paper
Akala ko nagreview kayo ni mendoza?'nakakaloko nyang ngiti
nagsulat nako ng number 1-50
Umubo si jaz ng dalawang beses kaya napangiti ako bago magsagot
#30 nako yes aabot ako!
Mendoza ithink you need to go to the clinic baka virus nayan kanina kapa ubo ng ubo may TB kaba?'taas kilay na tanong ni sr bryden
Wala sr'sabay tingin ni jaz sakin
mag titime na bat hindi ka magfocus sa pagsagot kanina kupa napapansin yang tinginan nio ni mendoza!'inis na sabi ni sr bryden
Lovers kaya yang dalawang yan sr HAHAHAHAH'Sabat ni duke
Servantes gusto mu nabang umuwi !'sr bryden
hindi po sr'duke
Tapos kana ba at daldal ka ng daldal jan?'sr bryden
finish na sr'ngiting ngiti na sabi ni duke
itigil mu yang bibig mo kung gusto mong magbunot ng damo sa field !'nakacross arms na sabi nito
Ng tununog ang bell
see ? wala kang maisagot sabagay ano pabang aasahan ko sau baka nga 1+1 hindi mupa alam'sr
Kapag nakakuha ka ng 60 grades hindi ako magdadalawang isip na ibagsak ka!'masamang titig nya sakin
mabilis kung pinunasan ang luhang mabilis na tumulo
i think mas ok kung babalik ka sa elementary delatorre'niligpit na nito ang gamit
kinollect narin ng vice president ang test paper at umalis na si sr bryden