FORTY… Julia's POV " Ako na magligpit nito Sam." " Hindi na. Ako na." Napabuntong hininga nalang ako sa kaniyang sinabi. Nasa dorm na kami ngayon at dalawang araw na ang nakakaraan simula nang mangyari ang p*******t ng mga taong namatayan kay Sam. Hanggang ngayon nanggagalaiti pa rin ako kay Fey. Kapag nakita ko talaga siya ay sasapakin ko siya. Anong karapatan niyang sisisihin si Sam e wala naman siyang alam sa mga mangyayari. Sa dalawang araw na lumipas ay maayos na naman ang lahat pati na ang paaralan ay naayos na kaagad para ipagpatuloy ang pag-aaral nang lahat. Sayang din kasi ang binabayad namin kung mauuwi lang sa wala. " Sigurado ka bang hindi ka sasabay sa'kin kumain sa canteen? O sa restaurant man lang?" Panigurado ko sa kaniya habang nililigpit niya ang libro na binabas

