THIRTY-FOUR Samantha's POV NAGLALAKAD kami ngayon habang suot ko ang damit na ibinigay sakin ni Scarlet kanina. Hindi siya katulad ng iba na pandigma. It's like a fighting suit na nakikita ko lang sa TV noon. Ngayon suot-suot ko na. " Hindi ka ba titigil sa kakangiti mo diyan?" Nahimigan ko ang pagkaka-irita sa boses ni Scarlet. Natutuwa kasi ako sa ibinigay niyang damit. At nagpapasalamat ako kasi hindi 'yung mabibigat na armor ang kaniyang ibinigay. Nagmala-assasin ako sa aking isinusuot ngayon. "Salamat sa damit. Akin na ba 'to?" Masaya kong turan sa kaniya. Nainis naman siya. Well, kailan ba 'to hindi nainis sa'kin? " Stop smiling! Hindi ka ba nababahala sa nalalapit na labanan at hindi ka nagse-seryoso diyaan?" Nawala kaagad ang ngiti sa labi ko nang sinabi niya iyon. Tama

