Chapter 2 - Gatekeep

2005 Words
“Please, excuse me.” Napalingon ang lahat ng naroon sa humawi ng daan. Maging ako ay napasunod ng tingin. Mabilis na inayos ng lalaki ang dulo ng sleeves nito at inilang hakbang ang kinaroroonan ng nakahandusay. “Call an ambulance,” utos ng lalaki sa kung sino na agad nitong sinunod. Natigilan ako sa pagkilos at napatitig sa lalaking lumuhod sa gilid ng nakahandusay. “Can you hear me, Mister?” tanong niya sa lalaki, but the injured is still unresponsive. Chineck niya ang pulso at paghinga ng nakahandusay. Mabilis ang bawat galaw niya at maingat. Pulido. Magaan ang mga kamay ngunit alam mong alam nito ang ginagawa. Maging ang kaniyang kalmadong reaksyon sa sitwasyong ‘yon ay nakakagulat. Napasunod ang tingin ko sa bawat galaw niya. “Pasensya na, Sir, pero doktor ho ba kayo?!” anas ng isang concerned citizen. “Mas mabuting maghintay na lang ng ambulansiya! Baka mapaano pa ‘yan!” sabi ng isa pa. Umigting ang panga ng lalaki, salubong ang mga kilay, sabay punit sa tela ng damit ng nakahandusay at binalot ‘yon sa sugat nito sa binti. Nagdurugo. Doon ko lang napansin na may pagdurugo sa binti nito! Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw. Bakit ulit ako nandito?! “May doktor ba riyan o nurse?” tanong ng lalaki sabay lingon sa paligid. Mabilis ang pangyayari. At tanghaling tapat kaya wala masiyadong tao rito. Bukod doon ay malayo na kami sa hospital. Walang sumagot. Sumeryoso ang lalaki at tinuon ulit ang atensyon sa nakahandusay. “There’s no one who could help him,” sabi niya sa nagsalita kanina at tinuloy ang ginagawa. Nakatingin lamang ako sa kanilang habang nakaluhod din sa tabi ng nakahandusay. Hindi ako makapagsalita dahil natutok ang atensyon ko sa lalaki at sa gulat sa bilis ng mga pangyayari. Nang sa wakas ay mapalingon ito sa akin, agad na nagtama ang paningin naming dalawa. Pumirmi sa ‘kin ang mga mata niya nang ilang segundo at saka ‘yon binalik sa lalaki. “Miss, are you not going to help?” magkasalubong ang kilay na tanong nito. Napabalik ako sa sarili. Mabilis na kumilos ang mga kamay ko at ako na ang nagbalot sa sugat ngunit nagdurugo pa rin iyon at hindi sapat ang tela. Malaki ang cut sa hita nito. “K-Kailangan ng mas malaking tela,” sabi ko at maiging hinahawakan ang tela para pigilan ang pagdurugo. Walang ano-ano ay hinubad ng lalaki ang suot na long sleeve at naiwan ang puting t-shirt niya sa loob niyon. Kinuha ko ‘yon at mabilis ngunit maingat na binalot sa sugat. Napapapikit ako sa takot at panginginig ng kamay ko dahil sa umaagos na dugo na dumidiretso sa tela. “Are you a nurse?” kunot-noong tanong ng lalaki nang mapatingin sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang titig niya sa ‘kin. “S-Student, third year college,” mabilis na sagot ko at nag-iwas. Tinapik ko ang nakahandusay na wala pa ring malay. “He’s unresponsive... a-anong gagawin?” tanong ko sa lalaki. The guy bit his lip, thinking of a solution quickly. Dinala ng lalaki ang mga daliri sa leeg nito at chineck muli ang pulso. “Cardiac arrest,” naiusal niya matapos ang ilang segundo at mabilis ang kilos na nilapat ang mga palad sa dibdib ng lalaki at nagsimula ng compressions. “Damn it. Move!” utos niya sa mga taong sumisiksik lang lalo at hindi naman tumutulong. Muling chineck ng lalaki ang pulso nito ngunit ganoon pa rin. Napapikit ako. “Let’s switch!” saad ko at pumwesto para palitan siya. Sugatan din ang nasa isang kotse. Ang nasa isa’y hindi naman daw. Pero ‘yong nasa kabila ay hindi mailabas dahil delikado at kailangang hintayin ang ambulansya. Nanginginig ang mga kamay na inilapat ko ang palad sa dibdib ng nakahandusay. Hindi ko pa nasusubukan ang mag-CPR. Sa klase ay nagawa ko na, pero sa totoong sitwasyon ay hindi pa. Damn it, bakit nga ba ako narito? Ang sabi ko’y magku-quit na ako. What am I doing here, then?! “Miss,” mariing tawag nito na hinihintay ang mabilis kong pagkilos habang malalim na nakatingin sa mga mata ko. Nagsalubong ang tingin namin. “Are you not going to do it?” “O-Okay, okay!” Napalunok ako at sinubukang alalahanin ang dapat gawin. Mabilis akong nagsimula at tinuon ang atensyon sa sugatan. I am really not a top student when it comes to medicine, ngunit nang sandaling ‘yon ay may kung anong nagbigay sa ‘kin ng lakas ng loob na gawin ang lahat ng kaya ko para maligtas ito. CPR, or cardiopulmonary resuscitation, an emergency procedure to save a victim during cardiac arrest or breathing problems. Combination of chest compressions and rescue breathing. 30 deep chest compressions in 18 seconds or less. 2 rescue breaths. C-A-B procedure. “I’ll check his pulse,” saad ko. Napapikit ako at napatingin sa lalaki. “W-Wala pa rin.” Damn it, nasaan na ba ang ambulansya?! “Move,” mariing utos niya sa ‘kin kaya agad akong tumabi at pinalitan niya ako. Hindi namamalayang napatingin ako sa lalaki. Hindi naman siya naka-lab coat at walang tanda na doktor siya. Pero doktor ba siya? Parang ang bata niya pa para maging doktor. If he’s not my age, I’m sure he’s just a few years older. At isa pa... parang pamilyar siya sa akin. Gwapo, matangkad, malinis manamit at halatang mayaman. Parang kilala ko, pero parang hindi. Hindi ko maalala! Hindi ko maiwasang mapuna ang kakaibang galing niya. Kabisadong-kabisado ang ginagawa. He’s so focused on saving the injured. Pawisan ito nang tumigil at chineck ang pulso at paghinga ng lalaki. And he’s back breathing again! Napahinga nang malalim ang lalaki sa relief. Basa na ang dibdib niya sa pawis. Bahagyang nagulo ang buhok na sinuklay niya ng daliri. Pagkatapos ay tiningnan niya ako na noon ay nakaluhod sa gilid habang hinahabol ang paghinga ko at natulala sa kaniya. “You need to push harder and faster, Miss. And do it deeper,” saad ng lalaki at tiningnan ako. His serious yet expressive eyes darted directly at me. Mukhang masungit. Saglit na sumilay ang ngisi niya habang nakatingin pa rin sa akin sabay tayo, pinagpag ang bandang tuhod sa kaniyang pants. “Get someone to teach you how to perform it better.” Natulala ako. What the f*ck? A-Ako ba ang kausap niya? Inisang tingin ako nito matapos tumayo. Saktong dumating ang ambulansya at naging abala ako sa pagsagot sa mga ito tungkol sa lagay ng naaksidente. “Salamat po, Ma’am.” Yumuko ang paramedic sa akin para magpasalamat. I let out a nervous laugh. “Ah, h-hindi po talaga ako ‘yon. Ang totoo kasi, siya talaga ‘yong tumu—huh?” Natigilan ako nang lumingon at makitang wala na ang lalaki. Nilibot ko ang tingin sa paligid, pero hindi na siya mahagilap ng paningin ko. Nang ibalik ko ang tingin sa paramedic ay ngumiti na lamang ito at sumakay na. Napangiwi ako at muling tiningnan ang paligid. “Siya ‘yong tumulong... hindi ako,” bulong ko sa hangin. Nawala bigla ‘yong lalaki. Walang naiwan doon kundi ang bakas ng aksidente... at isang ID. Natigilan ako nang mapatingin sa lapag at makita ‘yon. Pinulot ko ang ID at tiningnan. Napaawang ang labi ko nang mabasa ang nakasulat dito. Cillian Lorenzo Ramos, UP Manila College of Medicine Nilingon ko ulit ang paligid sa pagbabaka sakali. Pero wala na talaga! Umalis nang biglaan. Tinago ko na lang ang ID sa palad ko. Even his name is familiar. Parang narinig ko na. Hindi ko lang matukoy. Hindi ko alam kung anong meron sa pangyayaring ‘yon pero hindi ko nagawang kalimutan kahit lumipas ang buong bakasyon. I spent my whole summer partying, barhopping with my college friends, mga bestfriends ko magmula noong highschool, at sa tuwing sisipagin, nag-a-advance study para sa pangatlong taon sa Nursing. Kumuha lang ako ng related sa medisina dahil ayaw kong maging alien sa pamilya namin. My father came from a family of doctors. Ang lolo ko sa father side ay isang cardiac surgeon. My dad is an orthopedic surgeon. Ang pinsan ko sa father side na si Karissa, nasa med school na. Ang mga pinsan ko naman sa mother side ay puro related din sa medicine. Pero ang mama ko, mas inclined sa business. ‘Yong grandfather niya ang doktor samantalang ang kaniyang ama ay businessman at board member ng hospital noong kapanahunan nila. My parents were married, pero matagal na silang annulled. May bago na ring kasama ang mom ko. I grew up in a broken family. Ang mas masaklap pa roon ay only child ako. I moved out from my fathers’ roof when I was in high school. Hinayaan niya naman ako. Tumira ako kasama ang mga kaibigan ko sa isang apartment villa, parang dorm lang din. So, I’m living with my friends since then. Typical na college students. Pero wild kasi sa sentro. So, college life is a bit different. Depende na rin naman sa mga estudyante. Bawat university rin kasi ay iba-iba ang environment. Dahil sa nangyaring hindi nagustuhan ni Dad ang grades ko, na-cut ang allowance ko mula sa kaniya. Kaya magpapatulong sana ako kay Ace na maghanap ng part-time job. Nawala rin kasi ang laman ng credit card ko. Take note, I just got a dos! Dos! Hindi tres! Saka kasalanan ko bang ganoon magbigay ng grade ang propesor namin sa subject na ‘yon? Kung umasta kasi ang aking ama, para bang nakasingko ako! Tulala akong nasa study desk at kumakain ng instant noodles habang nag-aaral ng anatomy. Nagdo-drawing ako at nagle-label. Kinakabisado ko rin ang mga ‘yon. Napatigil ako sa pagkain nang gumawi ang paningin ko sa gilid ng desk at nahagip ng mga mata ko ang isang ID. Kinuha ko ‘yon at muling tinitigan. I comfortably laid my back in the swivel chair, bago ‘yon pinaikot-ikot. Madilim ang buong kwarto at tanging desk lamp ang nagbibigay liwanag sa kinaroroonan ko. Tinitigan kong maigi ang larawan. Gwapo talaga. Maputi. Trendy ‘yong style ng buhok. Matangos ang ilong, malalim ang mga mata, at maganda ang labi na tila laging nakangisi. Sharp jawlines. Maging kung tumingin ay sharp din. Rough features. Kaya mukhang masungit. Malalim ang mga mata at lalaking-lalaki kung tumingin. There’s this something in his eyes that seems to be serious yet amused and playful. Mukhang f*ckboy. “Cillian Lorenzo...” usal ko habang nangungunot ang noo. Familiar talaga. Itanong ko kaya kay Ace? Muling bumalik sa isipan ko ang nangyari doon sa aksidente. Kung hindi dahil sa kaniya, baka hindi maka-survive ‘yong naaksidente. I can’t believe that I didn’t perform the CPR so well. Pero sabi niya ay good naman daw. Iyon tuloy, kalahati ng summer ang ginugol ko sa pag-aaral. Ilang araw akong nag-practice ng CPR. Kahit ang mga usual na emergency situations ay tiningnan ko rin. Baka may maitulong ako kung sakaling mapunta ulit sa mga ganoong sitwasyon. “Magkakaasawa’t anak na lang yata ako, hindi ko pa tapos ‘tong Grey’s Anatomy!” Bigla kong naibaba ang ID nang bumukas ang pinto ng kwarto namin at pumasok ang bestfriend kong si Aestheria, or Ace for short, at mabilis na bumalik sa inaaral. “Huy, ano iyan? Bakit mo tinago?” pambibintang niya sa biglaang pagtatago ko rito. Umiling-iling ako at nilagay ang ID sa ilalim ng drawer. Tumikhim ako at muling pinulot ang ballpen ko. “Wala, scratch paper lang!” “Scratch paper! Bakit mo tinago, aba?” suspetya pa ni Ace. Nilingon ko siya at inosenteng ngumiti. “Scratch paper nga, I swear. Itatapon ko rin mamaya! Manood ka na lang diyan.” Inasar-asar niya pa ako na baka VIP card iyon sa strip club, o ‘di kaya’y business card ng potential ‘partner’. Nakagat ko ang labi at nagpatuloy sa pag-aaral. Sorry, Mister Cillian Lorenzo, if I’m gonna gatekeep you for a while.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD