Suot ang aking gown ay nakatingin lang ako sa aking repleksiyon sa salamin. This is it. Ito na talaga. Ito na ang pinakahihintay kong araw. “Girl, ang ganda mo. Para kang Diyosa,” komento ni Cel. “Baka sinasabi mo lang ‘yan dahil magkaibigan tayo,” sagot ko. Kaagad na umiling naman siya. “Naku! Hindi, kilala mo ako, Louisse. Joker ako pero hindi ako sinungaling,” saad niya. “Thank you, Cel,” wika ko. Ngumiti naman siya at inayos ang suot kong belo sa ulo at kita ko pa ang pangingilid ng kaniyang luha. “Oh, ano ‘yan?” “Wala, ano lang iyan baong luha, alam mo naman,” sagot niya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at pinisil iyon. “Cel, isa ka sa dahilan kaya patuloy akong lumalaban sa buhay. Ikaw ang dahilan kung bakit umabot kami rito ni, Leon. Naging matatag ako dahil ni minsan h
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


