Lumabas na kami at dumeritso sa underground parking area. Pumasok kami sa kotse niya at umalis. “Sina Cel?’’ tanong ko sa kaniya. “Later baby, don’t worry about them. I need to get you out of here. That piece of s**t really knows how to annoy me,” reklamo niya. Kita ko pa ang paggalaw ng panga niya. Halatang nagalit talaga siya kay Simon. Kinuha ko ang cellphone ko at may text ang bruha. “Enjoy girl at mag-e-enjoy rin ako rito.” Napataas ang aking kilay sa text niya. “Si, Cel and Simon?” I asked him. “Cel, found out I’ve been sending Simon to look out for you. Ayun, biglang tumawag at gusto niya raw makilala. Who am I to refuse?” nakangising sagot niya. Biglang nag-shift ang mood niya. Alam ko na kung bakit ganoon. Kasi makabe-benefit din siya. Napailing na lamang ako at napating

