Chapter 1

1821 Words
Aina POV Nang makarating ako sa garden, bigla nagbukas yung mga Christmas lights. Sobrang ganda! Habang naglalakas ako, nakita ko yung mga petals ng puting roses sa dinadaanan ko. Namataan ko din ang dalawang upuan at may isang lamesa na nakaayos sa harapan. Yes, isang romantic candle light dinner! Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang sobrang gwapong mukha ng boyfriend ko. Nakasuot siya ng color blue na long sleeves at itim na suit. Maayos din nakasuklay ang kanyang short trimmed hair. Hindi niya inaalis ang pagkakatingin niya sa akin. Grabe, ewan ko pero kitang-kita ko sa mga mapupungay niyang mga mata kung gaano niya ako kamahal. “Hey!” nakangiti niyang bati sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Medyo natutulala ako sa ginawa ng aking mahal. Hindi ko rin mapigilan na amuyin siya. Sobrang bango! “Hello!” nakangiting bati ko rin sa rin kanya. “For you my beautiful lady”. tsaka niya inaabot ang bouquet ng puting roses na tinago niya sa kanyang likod. Yung mga gantong bagay talaga ang lalong nagpapakilig sa akin eh. “Thank you!” tsaka kinuha ko yung bouquet ng red roses sa kanya. Hinawakan niya ang isang kamay ko habang hawak-hawak ko naman sa kabilang kamay ko ang binigay niya. Marahan niyang hinalikan ang likod ng kamay ko at dahan dahang lumuhod sa harap ko. Gosh! Is he going to propose? Kinakabahan ako. ~You don’t understand how much you really mean to me ~I neeed you in my life, you’re my necessity, yeah “Aina!” naulinigan kong tawag ni mom at sabay katok sa pinto ko. “Gising na at maghanda kana.” dagdag pa niya Arghhh! yun na eh! Ang ganda na ng panaginip ko. Magp-propose na sana siya sa akin. Nabitin tuloy ako! “Ma, gising na ako.” medyo disappointed kong sagot kay mom. “Sige, mag-ayos ka na anak ha. Aantayin kita sa baba.” malambing niyang sabi sa akin at tumigil na sa pagkatok ng pinto ko. Okay, I am totally awake. Nakaupo na ako sa kama ko. Hay sayang naman ang panaginip ko! ~But believe me, you’re everything that just makes my world complete ~My love is clear, the only thing that I’ll ever see Rinig kong tugtog. Ngiting-ngiti na ako ng marinig ko yung boses pagkagising mo. Tapos mo pa siya sa panaginip mo kanina. Hay Axle John Tapia lalo akong naiinlove sayo. This is life. Natatawa kong isip. Teka, tama na nga ang pagde-daydream ko. Na saan na ba ang cellphone ko? Tuloy parin ang pagtunog nito at tinaas ko na ang mga unan. Until gotcha! Nakita ko rin ito at agad kong pinindot yung answer button. “Sis!” excited at malakas na bati ng kaibigan kong si Althea Cruz na nasa kabilang linya. “Kanina pa ako tumatawag sayo ha. Ang tagal- tagal mong sagutin.” “ Chill! Ito na nga ako oh. Sinagot ko na. Sorry kakagising ko lang.” pagpapaliwanag ko sa kanya. “Sis naman, magtatanghalian na oh. Tapos ngayon ka lang nagising?” “Well you won’t believe it pero sobrang ganda ng panaginip ko” “Malamang si axle na naman siguro ang napanaginipan mo?” “ You definitely know me. Bestfriend talaga kita!” “Hay nako sis! Naririndi na nga ako sa kaka-axle mo eh!” pabiro niyang sinabi. “Ito naman, pero alam ko namang naiintindihan mo ako eh. By the way, what’s with the call?” “Hmmm. wala nama! Just checking you out. Di ba mamaya mo na makikilala yung lalaking anak ng business partner ng daddy mo?” “Sh*t! Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Hay..” at napabuntong hininga ako “Tsk! Tsk! Kung bakit ko pa kasi kailangang gawin ‘to eh” iiling-iling kong sabi sa kanya at nakadama ako ng pagkainis. “Sis, malay mo naman. Gwapo yung guy, matangkad, chinito, magaling mag-gitara at marunong kumanta katulad ni Axle John mo” She’s definitely my best friend. Alam niya talagang I-describe ang gusto kong lalaki “ Pero kung hindi parin si Axle John. Huwag nalang” at talagang nakapagbiro ko pang sagot sa kanya “Sis, why don't you give that guy a try? Malay mo, baka naman matutunan mo siyang mahalin.” “Hay nako sis! Ang OA ha, business meeting lang yun and that would be impossible . It wouldn’t work-out.” madiin kong sabi sa kanya “Try to consider it.” medyo makulit din ang bestfriend ko eh noh? “Sige na sis, kailangan ko na ding mag-ayos kahit ayoko talagang magpunta doon. If it wasn't for my parents and our business I wouldn’t attend.” pagpapa-alam ko sa kanya at tsaka ko i-end ang call. Ngayon nga pala ang business meeting ni daddy sa malaking stock holder sa company namin at ipapakilala daw niya sa akin yung lalaking anak ng business partner niya for the merging of our companies daw. You know in business world that only means more profits and gaining a lot of power. Kaso ewan ko ba kung bakit kailangan kasama pa ako sa business meeting na ‘to. medyo nakakainis pero imi-meet ko lang naman eh, kaya pinagbigyan ko na ang parents ko at for once and for all, para tantanan na nila ako. Nakaligo na ako at nagsuot ako ng kulay blue na fitted dress na hanggang tuhod ko lang ang haba at may maliit na belt sa gitna. I also put a light makeup at sinuklay ang hanggang balikat kong tuwid na buhok. Sinuot ko na ang high heels ko a kinuha ang maliit kong CHANEL bag tsaka ako bumaba sa may kusina. “You’re beautiful anak!” namamanghang sinabi ni mom “Thank you mom! It runs in our blood.” pabiro ko pa sa kanya “Are you ready my princess?” medyo natatawa ang daddy sa sinabi ni mom habang tinatanong ako “Yes, dad.” at tumango ako sa kanya. “Come on. Let’s go, dun nalang tayo sa restaurant kumain ng lunch.” yakag n daddy sa akin. “Tara dad” bat isinukbit ko ang kamay ko sa mga braso ni daddy. Yes! Proud daddy’s girl ako at bineso-beso ko na si mom. “Bye mom. We’ll see you later” paalam ko sa magandang mom ko "Hon, alis na kami ni Aina." sabi ni daddy at hinalikan niya si mommy sa noo. Ang sweet talaga ng mommy at daddy ko. Sana kapag may asawa na ako, ganto din kami.. Or might I say, kapag asawa ko na si Axle John Tapia. Hahaha! Medyo natatawa na naman ako sa iniisip ko. Grabe talaga ang imagination ko eh. Kahit sobrang layong maging kami ng famous singer na si Axle John Tapia. Hay! Si Axle John Tapia, ang ultimate crush ko. Eh simula first year high school ata addict na ako sa kanya tapos hanggang ngayong incoming 4th year college na ako, parang wala namang pinagbago ang pagtingin ko sa kanya. Halos 11:00 na kami nakadating sa restaurant ni daddy pero kami pa rin yung nauna. Umupo kami ni daddy malapit dun sa may bintana para daw mabilis kaming makita nung ka-meeting niya. Umiinom ako ng juice ng may nagparking na black SUV sa harapan ng restaurant. "They are here." parang nagliwanag yung mukha ni daddy. Bumaba yung isang lalaki na nakaupo sa harapan. Parang ka edad lang siya ni daddy, nakasuot siya ng suit at may dala-dalang attaché case.Sumunod na nagbukas yung pinto sa likuran at bumaba yung isang medyo katabaan na kayumangging lalaki na kalbo. Damn! It must be him. Nasabi nalang ng isip ko. Okay! Disappointed na ako. Napakalayo niya naman sa itsura ng Axle John Tapia ko. Medyo naiinis na ako. Sumensyas si dad sa kanila at agad naman nila kaming nilapitan. Tumayo kami ni dad. "Mr. Lee, this is my beautiful daughter, Sharina but you can call her aina." pagpapakilala sa akin ni dad dun sa business partner niya. Ngumiti naman ako at inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Ngumiti din naman siya sa akin at nakipagshake hands, "Ang ganda ng anak mo, Fred." sabi niya sa daddy ko. "Call me Tito Lee" at napatingin ulit siya sa akin. "Sige po Tito Lee." pag-address ko ulit sa kanya. Tumingin si tito sa likod niya, "By the way, this is Simon Ford, my personal assistant." What? Tama ba ng pagkakarinig ko? Personal assistant? Okay! Masyado na akong paranoid kakaisip. Wait! Kung siya ang personal assistant ni Tito Lee, na saan na yung anak niya? "Sorry Fred, medyo mali-late ng kaunti ang anak ko." muling wika ni tito Lee. Grabe si tito, mind reader ata. Pero grabe ha, pa-importante yung anak niya. Hindi pa sumabay sa daddy niya! Tsk! Tsk! Bad impression na agad sa akin. Nag-usap na muna sila daddy at tito tungkol sa business nila. Hindi na ako masyadong nagfocus sa pakikinig sa kanila kasi wala naman akong gaanong interest sa business na yan. Totally it's not my thing. Tapos yung assistant secretary naman ni tito puro text lang. Tumingin nalang ako sa may bintana at inaliw ang sarili ko sa mga nagdadaanang mga sasakyan. Merong parating na sasakyan na mapapansin mo lang na may pagkayabang ang nagda-drive nito. Style palang kung paano siya humarurot at bumusina sa mga nauunang sasakyan sa kanya. Nagpark siya sa harap nitong restaurant na kinakainan namin. Bumukas yung driver's side at bumaba ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng shades. Parang bumagal yung oras tapos parang ang rami-raming nangyayari sa paligid niya pero siya lang yung nakikita ko. Napatuon lang ang isip ko sa kanya. Naka-shades siya pero feeling o sobrang gwapo niya kapag tinanggal niya yung shades niya. Ang messy tignan nung buhok niya pero parang nakadagdag lang sa assets niya at ang puti pa niya. Medyo nakaka-insecure kasi parang mas maputi at mas makinis pa siya sa akin. Nakasuot lang siya ng blue na long sleeves na nakatupi lang hanggang sa siko niya, simpleng pantalon at shoes na pangporma.Kulang nalang ata ng gitara at kamukha na niya si Axle John ko ha. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makapasok siya sa restaurant na kinakainan namin. Wait! Could he really be my Axle John? Palinga-linga pa siya at parang may hinahanap siya. "Son!" sabay sumenyas sa kanya si Tito Lee. Napangiti siya kay tito. Sh*t! Siya yung anak ni tito. Aww! That killer smile.. kinikilig ako! Tinanggal niya na yung suot niyang shades at nakangiti siyang nagtungo sa pwesto namin. Sh*t! Si Axle John nga! Siya yung anak ni tito? Bakit Lee apelyido ng dad niya?. Bumilis bigla yung t***k ng puso ko.Nanlalamig na naiinitan ako. Ewan ko ba pero hindi ko rin mapaliwanag yung nararamdaman ko. Chill Aina! Huwag kang ma-tense! Breath in, breath out. Pagpapakalma ko sa sarili ko. At ito na nga, nakatayo na siya sa harap namin. "Dad" nakangiting bati niya at tinapik ang balikat ng daddy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD