"Asher..psst.." pangungulit ko dito. Tinutusok tusok ko pa ang pisngi nito na sobrang lambot. Napapahagikhik pa ako dahil sobrang lambot ng pisngi niya. Kakatapos ko lang kasing magbasa ng fiction book at tungkol iyon sa mga bampirang nainlove sa isang mortal.
"Hmmm.." tangi nitong sagot.
Madalas kami kaming nag kakasama ni Asher pag may vacant ako. Mukang lagi nga ding magkasabay ang vacant namin. Nakakatuwa. Ganito lang ang gawain namin kung minsan ay nagbabasa ako sa oibrary o di kaya nagpaplano ng mga ituturo sa mga bata tapos siya naman itong natutulog lang. Minsn naman dadaldal ako ng sobrang dami at siya itong nakatitig lang ay nakikinig.
"May tatanong ako.." Sabi ko sa maliit na boses.
"What is it this time?" Napamulat na ito at nag ayos ng pwesto. Ako naman itong parang batang tuwang tuwa dahil nabigyan ng atensyon. Ganyan siya palagi pag may sasabihin ako ay pinagtutuunan niya ako ng pansin.
"What if.. may kaklase ka pamang Vampire. Kakaibiganin mo ba siya?" I asked curiously.
"I'm too lazy to befriend with them." Tamad nitong sagot.
"Pero paano kung hindi ka tinatamad, tapos mabait naman sila tapos nilapitan ka nila at kinausap tapos sinabi nilang vampire sila kakaibiganin mo ba siya?" Nakatitig nalang ito sa aking muka at tila hindi na pinapakinggan ang sinasabi ko.
"Hmm.. If it is you.. maybe.."
"Maybe?"
"Maybe not." sabi nito na kinanguso ko nagawa ko pang hampasin ng mahina ang braso nito.
"Bakit naman?"
"Kasi your too childish.. at ang daldal pa..." Sabi nito habang nakangisi na. Ako naman itong hindi na halos maipinta ang muka. Ang sama talaga nito ni Asher!
"Ang bait ko kayang kaibigan tapos ayaw mo! hmpp!" sabi ko pa dito. "E magkaibigan naman tayo kaya!"
"Ikaw lang nagsabi niyan." tipid nitong sagot habang ang mata ay nagbabadya nang pumikit. Bago pa man tuluyan mahulog ang mata nito sa pagpikit ay hinawakan ko na ang magkabilang pisngi nito at hinarap saakin.
"Ano? we're not friends?" Tanong ko na ikinataas nito ng kilay.
"we are not."
"Why?" tanong ko
"I want more.." Natigilan ako sa sinabi nito. May kung anong paruparo ang pumasok sa tiyan ko na nakapagpakiliti nito. More?? siguro.
"So.. you want us to be best best best friend?" natatawa kong sabi na ikinalukot ng ekspresyon nito.
"Tss."
"Kaso.. hindi pwede, baka kasi mag tampo si Adina. Sita ang best best best friend ko." Sabi ko pa na lalong ikinalukot ng ekspresyon nito. Bakit? may nasabi ba ako?
"Slow." Tipid nitong sagot bago bumalik sa oagkakahilig at pumikit.
Naging gawain namin iyon plagi at pag time na para sa klase ay bumabalik na din naman ako. Siya hindi ko alam san siya pumupunta. Ni ang course nito ay nakalimutan ko itanong. Nawawala na kasi iyon sa isip ko pag magkasama kami. Tuwing hapon naman ay namamataan ko ito sa park minsan nga ay nauuna pa. Tapos mauuna ako umuwi dahil may piano lesson pa ako sa bahay.
Pakiramdam ko ay napakakomportable pag kasama siya. Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala. Ng hapon na iyon din ay kaklase ko si Adina sa huling subject.
Nakatulala na ito sa kawalan at parang may malalim na iniisip. Tinapik ko ito ng bahagya na nakapagpabalik sakanya sa katinuan.
"Kanina ka pang tahimik. What's with you?" Kanina ko pang napapansin na wala siya sa mood.
"Wala.. Ano kaba!" nakangiti nitong sabi. Bakas sa muka niyang nag sisinungaling siya. Hindi ko nalang ito ginulo pa.
Hanggang sa makatapos ang klase ay hindi pa din masigla si Adina. Hinawakan ko ang kamay nito at hinimas ng babahagya.
"If you're not ready to tell what's bothering you.. Know that I'm here for you and I'll listen kahit ano man yan. " Ngumiti ito at hinaplos pabalik ang kamay ko.
"I know.." Adina is a secretive type of person. Siya iyong tipong nanjan para dmayan ka s problema mo na kayang pasanin sa lahat pero siya din iyong mas prefer na kinikimkim ang problema niya. She's one of the strongest women that I know.
Naunang umalis si Adina. Nagpaalam ito na may pupuntahan lang kaya hinayaan ko na din. Ako naman ay dumiretsi sa park malapit sa school. Sanay na akong maglakad dito. Malapit lang naman at safe.
Ng makadating ako doon ay nakita ko agad si Asher na nakaupo at nakikipaglaro sa mga bata. Ari was there too sitting in Asher's lap. Sa lahat ng bata ay mas malapit talaga ang loob namin ni Asher kay Ari. Napakabait nabata naman kasi.
Noong mapansin nilang lahat abg presensya ko ay nag uuna unahan silang lumapit saakin. Asher was looking at me intently. Isa isa kong binati ang mga bata. Sinulyapan ko na din si Asher at kinawayan.
"Kanina pa ba kayo dito?" tanong ko skanilang lahat pero ang mata'y nakapako sa kinaroroonan ni Asher.
"Opo.. Ate Blaire si kuya Asher po may biniling malaking laruan tapos may lumalabas pong bula!" bulalas ni junjun.
"Bubble maker ata tawag don Jun!"
"A bubble maker pala.. ayon ate bubble maker daw" natatawang ulit ni junjun. Ginulo ko ng bahagya ang buhok nito at natatawang pinisil ang pisngi.
"Bumili ka daw ng bubble maker?" I ask. Medyo na eexcite na din ako dahil doon. Para akong isang batang manghang mangha.
"Yeah.."
"Asaan na dali paganahin mo na!!" Excited kong tugon nakahawak ako sa braso nito at niyugyog ng bahagya.
"I bought it for the kids.." Sabi nito na ikinasira ng ekspresyon ko. Ang damot naman.
"Bata pa din ako! 1st year college palang ako."
"Tss. Isip bata ata.." Pinalo ko na talaga ito dahil sa pang aasar niya. Ganyan talaga si Asher minsan ay nasasanay nalang ako sa pag susuplado niya at pang aasar minsan.
"Sama mo!"
Maya maya ay tumayo siya at binuksan na ang bubble maker. Agad naman naglabasan ang madaming maliliit na bula. Sobrang ganda. Halos mapunit na ng labi ko kakatingin sa mga ito. Sobrang saya na din ng mga bata. Nakita ko pa si Ari na nag tatatalon at hinahabol ang bula at puputukin. Si Junjun naman na ibubuka ang bibig at kakainin ang mga bula. Gayon din ang mga batang nag sasaya na.
"Ate Blaire.. Kuya Asher.. tara po" Pagsigaw pa ni Ari.
"Tara Asher.." hinila ko ito ng bahagya pero hindi ito nagpatinag.
"Go play with them.. I'll just watch all of you from here." Hindi na ako umapila dahil sobrang gusto ko na din makipag laro sa mga bata.
Nagtatatalon na kami dito at nag sasasayaw sa mga bula. Nakita kong tumayo si Asher at mas nilakasan pa ang bubble maker sanhi para mas dumami ang ibinubuga nitong bubbles.
"Asher!" tawag ko dito. Tiningnan lang ako nito at sumenyas na kami nalang ang magsaya. Sayang naman kailanga niya itong ma experience.
Noong hindi ako makapagtimpi ay nilapitan ko na siya at hinawakan ang palapulsuhan. Hinila ko ito na agad naman nag patangay.
"Akala ko hindi ka sasali e. Magagalit na sana ako sayo.." Humahalakhak kong sabi.
"As if you know how to get mad."
Nag patuloy kami sa paglalaro sa mga bula. Naghahabulan na kami ngayon at si Asher ang taya. Una niyang hinuli ay ang mga batang babae. Sumunod naman ay ang mga batang lalaki. Sobrang bilis ng galaw nito na pati akoy hingal na hingal na.
"Ate Blaire, wag kang papahuli para makuha mo kaming lahat." Sigaw naman ni Ari.
"Kung hindi lang ako nahabol ako sana mag liligtas sainyo. Poprotektahan ko din sana si Ate Blaire." pagmamalaki pa ni Junjun.
"E kaso hindi. Pano kasi mabagal ka. Wag ka na ngang magpalakas kay Ate Blaire e bungi ka nga!" natatawang pang aasar ni Junjun na ikinapula ng pisngi nito.
"I'll try my best to save you all.." Sigaw kong ikinataas ni Asher ng kilay.
"You sure you can?"
"Oo!" confident kong sabi dito. Nagsimula na itong pumwesto. Ako naman ay kabadong kabado na binabantayan ang galaw niya. Kailangan hindi ako mataya. Sinubukan kong tumakbo sa gilid pero nahaharangan niya ako. Ayaw ko naman masyadong lumapit dahil baka mahuli niya ako.
"Asher ang daya mo!"
"What? sabihin mo mabagal kalang at konting galaw mo lang alam mong mahuhuli kita."
"As if Asher.."
"You better run fast, Avery. Run fast and make sure I won't catch you.."
"Bakit? pag nahuli mo ako sigurado ka bang hindi ako makakatakas?" proud kong sabi.
"Pag nahuli kita I'll make sure na wala kanang kawala." Natigilan ako sa sinabi nito. Para kasing double meaning. Nang mapatigil ako sa pag takbo ay laking gulat ko na may humapit saaking bewang napaangat pa ako dito sa ere sanhi para mapasandl s matugas nitong dibdib.
"Got you!" bulong nito sa aking tenga. Tumaas ang balahibo ko sa pagdampi ng hininga niya saaking tenga. Ramdam na ramdam ko iyon. Parang bumibilis ng husto ang dibdib ko sa di malamang dahilan.
"Now I'll make sure that you won't get away from me."
"Madaya.." kumalas ako sa pagkakayakap niya saaking bewang nag lakad ako sa mga bata. Para pagtakpan ang namumula kong mga pisngi. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Ano bang nangyayari saakin.
Matapos ang paglalaro naming iyon ay napagdesisyonan namin na kumain ng ice cream. Ganon ulit ang ginawa ni Asher. Binili niya lahat ng tinda ni manong at pinamigay sa lahat ng batang naandoon. Iniabot naman niya saakin ang Strawberry icecream. Nasanay na din ako sa ganyang kilos ni Asher. Dahil nga magkaibigan na kami.
Wala iyong malisya. Meron lang akong nararamdaman minsan na parang hindi ki maintindihan. Bigla bigla ko malang talagang nararamdaman. Para bang sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Parang.. Hindi Blaire erase. Masyado kalang naattach dahil lagi mo siyang kasama.
Ng makatapos sa pagkain ng icecream ay tiningnan ko ng oras it's already 5:00.
"Asher.. I have to go.. May piano lesson pa kasi ako. Please tell the kids on my behalf." Sabi ko dito dahil ng mga bata ay busy pa sa pagkain ng ice cream nila. Ang iba naman ay nag kukulitan pa sa bumble machine.
"Nandito na ba ang driver mo?" Tanong nito.
"Yep, Manong's already here.. See you tom."
"Avery.." muling tawag nito. Nilingon ko ito ng buo at hinihintay ang susunod nitong sasabihin.
"Nothing.. Please take care."
"I will." maikli kong sagot. "Ikaw din.. Magiingt ka, Asher."
Tinalikuran ko na ito at dali dling sumakay ng sasakyan. Ng makadating ako ng bahay ay naligo lang ako at nagbihis ng aking isusuot para sa piano lesson.
My piano instructor is already there. Pinapractice muli namin ang piece na ipeperform ko sa harap ng mga business partner ni mommy sa dadating na party. I'm expecting to see Mrs. Cortez doon dahil ayon naman ang laging present sa ganoong gatherings.
Naalala ko padin ang haplos ni Asher saaking bewang. Hindi iyon mawala wala saaking isipan. Ng dahil tuloy doon ay sa kalagitnaan ng aking pagtugtog ay bigla akong nagkamali sa nota.
"Miss Blaire.. What's wrong you seems to not be on your senses?" Nag aalalang tanong ni Miss A.
"Ah.. wala po sorry po.. pwede po bang wag nyo nalang sbaihin kay mommy.. I'll do better po. uulitin ko nalang po" sunod sunod kong bigkas.
Tumango naman ito at mukang hindi na sasabihin kay mommy. Noong matapos ang aming lesson at umakyat naman agad ako sa kwarto. Ano bang nangyyare saakin. Bakit ganito nalang ang epekto ni Asher. Hindi kaya? What? No! In my entire life hindi ako nakakaramdam ng ganoon. Kaya hindi ko din alam kung ano talaga ang pakiramdam. Baka wala lang ito. Oo wala lang.