Chapter 3

1142 Words
Kaagad na umalis din kami sa restaurant na iyon pagkatapos naming makuha ang mga pagkaing in-order nito. Pinaharurot kaagad nito ang kaniyang sasakyan nang makasakay na kami. Tahimik lang na nagmamaneho ito habang ako tulala pa rin sa mga nangyayari. Tila napakabilis ng mga pangyayari at hindi ko kaagad ma-i-proseso sa utak ko ang mga iyon. Lalo na ang halik nito na nagpapabagabag sa utak ko sapagkat siya ang kauna-unahang lalaking naglakas loob na gawin iyon. Napabuntong hininga na lamang ako. Bigla naman akong napatingin dito nang ipatong nito ang isa niyang kamay sa hita ko at marahang pinisil niya iyon. Ramdam ko naman ang init ng palad nito sa hita ko kahit na may suot pa akong pantalon. Hindi ko naman mapigilan ang mapalunok ng paulit-ulit lalo na at unti-unting kumikilos ang kamay nito malapit sa pagitan ng hita ko. Kaya bago pa ako makalimot sa sarili, akmang tatabigin ko ang kamay nito ngunit mabilis nitong tinanggal sa hita ko. Sinamaan ko ito ng tingin kahit hindi ito nakatingin sa akin. Akmang magsasalita sana ako nang bigla nitong kabigin ang manibela ng kaniyang sasakyan upang iwasan ang paparating na malaking truck. Hindi ko naman inaasahan at bigla akong napasubsob sa kandungan nito dahil sa sobrang lakas ng pagkabig nito. Sapul sa mukha ko ang matigas na bagay na nakapaloob sa pantalon nito. Tila nagkaroon ng buhay ang bagay na iyon dahil lalo pa itong nanigas. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang biglang pagbagal ng takbo ng sasakyan nito. Maya maya ay bigla na lang itong tumigil sa gilid ng daan. Mabilis ko namang inalis ang mukha ko sa kandungan nito nang marinig ko ang pagpakawala nito ng marahas na paghinga. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kinabahan ako at pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil ramdam ko ang pag-iinit nito. Kaagad na itinakip ko sa mukha ko ang dalawang palad ko dahil sa kahihiyan. Hanggang sa narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Hindi mo lang alam kung gaano mo binuhay si big buddy," anito nang natatawa pa rin. Ang mas lalong ikinagulat ko nang bigla niyang kunin ang kamay ko at dinala niya ito sa kandungan niya sa parte na may malaking bukol kung saan ako sumubsob kanina. Ramdam ko ang katigasan no'n. Tila pinagpapawisan ako ng malagkit kahit na malamig ang buga ng aircon sa loob ng sasakyan nito. Panay rin ang paglunok ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung kaya't bigla kong binawi ang kamay ko rito at binigyan ko ito ng isang malakas na sampal sa mukha. "Bastos!" Nagpupuyos ang dibdib ko sa inis dito. Ano kaya ang binabalak na gawin nito sa akin? Hindi kaya ay manyak ito na klase ng tao? Pagkatapos kong sampalin ito, nagmadali akong ayusin ang sarili ko upang buksan ang pinto ng sasakyan nito. Ngunit sa kasamaang palad naka-lock ito kaya mas lalo akong nanlumo sa sarili ko. Napahagulhol na lang ako ng iyak habang pinipilit kong buksan ang pinto ng sasakyan nito. "Sorry," mahinang sambit nito. Hindi ko ito pinansin dahil hindi pa rin tumitigil sa pagbagsak ang mga luha ko. "Buksan mo ang pinto, lalabas ako," mahinahon kong sambit habang sumisinghot nang hindi nakatingin sa kaniya. Subalit parang wala lang narinig ito. "Sabi nang buksan mo ang pinto at lalabas ako!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napataas na ang boses ko rito. Agad na narinig ko ang pag-unlock nito ng kaniyang sasakyan kaya dali-dali ko itong binuksan. Akmang lalabas na ako nang bigla nitong hablutin ang braso ko upang pigilan ako. Kaagad na nilingon ko ito at pinukulan ko nang matalim na tingin at mukhang naintindihan naman nito dahil agad na binitiwan din nito ang braso ko. Pagkalabas ko sa sasakyan nito, pabalibag na isinarado ko ang pinto. Lumayo ako rito habang hindi pa rin ito umaalis. Marami namang dumadaan na mga sasakyan at jeep ngunit halos lahat puno. Bigla kong naisip wala pala akong pera dahil bigla na lang ako nito hinila kanina palabas ng bar. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palayo sa sasakyan nito hanggang sa hindi ko na matanaw ito. Nagpalinga-linga ako sa paligid at agad na pansin ko ang mga kalalakihan na naglalakad palapit sa direksiyon na tila mga lasing. Pailan-ilan na lang din ang mga taong dumadaan kaya medyo kinabahan ako. Nagkunwari akong hindi ko sila nakita kaya nagmadali akong bumalik. Malalaki ang hakbang ko pabalik sa sasakyan ng taong iyon. Tila naramdaman ko na sumusunod sila sa akin dahil pakinig ko ang mga boses ng mga ito habang nag-uusap na lalong nagpataas ng mga balahibo ko. "Pare, mukhang sinusuwerte yata tayo ngayong gabi, ah," narinig kong wika ng isa sa kanila habang sumusunod sa akin. "Oo nga pare, mukhang masarap pa ito sa pulutan natin," wika rin ng isa 'tsaka tumawa. "Pare, ako dapat ang mauuna kasi ako ang unang nakakita." Tumawa ang mga ito. "Miss, 'wag ka nang lumayo pa, sumama ka na sa amin siguradong magugustuhan mo ang gagawin namin." Muling tumawa ang mga ito. Panay naman ang paglunok ko ng aking laway lalo na at malapit na nila akong maabutan. Pakiramdam ko luluwa na ang dibdib ko sa sobrang kaba kaya mas lalo ko pang nilakihan ang mga hakbang ko. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang mapansin ko ang sasakyan kung kaya'y mabilis akong tumakbo papunta ro'n habang ang mga ito tumatakbo na rin at sinusundan ako. "Miss, hindi ka na makakawala sa akin," natatawa nitong sambit. Dumoble ang kaba ko nang maramdaman ko ang paghablot nito sa braso ko. Bago pa nito magawang hilahin ako, naramdaman ko na may isa pang kamay na humablot sa braso ko. Nakita ko ang madilim na mukha ng lalaking iniwan ko kanina habang nakatingin ito sa lalaking humabol sa akin at sa mga kasamahan nito. Nakita ko rin ang pagbabago ng mukha ng lalaking humabol sa akin kanina. "Boss Dex, pasensiya hindi namin alam na kasama mo siya," ani ng lalaki. "Boss, pasensiya na po hindi na mauulit," sabay-sabay na wika ng mga ito sa kaniya. "Sa susunod na makita ko kayong ginaganito niyo ang mga babaeng nakikita niyo sa daan, hindi ako magdadalawang-isip na ipadampot ko kayo sa pulis. Naintindihan niyo ba ako?" ani nito sa mga kalalakihan na humabol sa akin. "Yes, boss! Sorry na talaga hindi na mauulit," ani ng mga ito na tila nagmamakaawa. "Miss, pasensiya." Baling ng isa sa kanila at sunod-sunod na humingi ng pasensiya ang mga ito sa akin. Hindi na rin nila hinintay na may sasabihin pa ulit ang lalaking tinatawag nilang boss Dex bago pa ang mga ito umalis. "Are you okay?" tanong nito sa akin habang nakakatitig ito sa aking mga mata. Hindi ako sumagot para kasing gusto nang malalaglag ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. The next thing I knew, kusa na lamang akong yumakap dito at humagolhol ng iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD