Umalis kami sa building ng ARS at pumunta sa park kung saan kami unang nag date noon. Hindi nga lang kami lumabas ng sasakyan dahil biglang bumuhos ang ulan. "Hindi talaga ako makapaniwala na nasa harapan na kita ngayon." Nakatitig lang ako sa kaniya. "I miss you." Hinawakan nito ang kanang pisngi ko. "Sobrang na-miss kita." Hindi na ako nagdalawang isip at ako na mismo ang kumilos upang abutin ang kaniyang mga labi. Para kaming mga uhaw sa labi ng isa't isa at walang may balak sa amin ang humiwalay. Dahil palalim na nang palalim ang halikan naming iyon ay kung saan na dumadako ang kamay nito. Bahagya akong napaungol ng pisilin nito ang kanang bahagi ng dibdib ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na naipasok na nito ang kaniyang kamay sa loob ng damit ko at unti-unting tinatanggal ang a

