Hindi inakala ni Nick na makikita niya si Eve sa sayawan. Stunning ang dalaga sa sa dress na suot niya. Parang wala siyang ibang nakikita sa loob ng covered court na ginawang venue ng sayawan kundi si Eve na papasók. Pinilit niya naman talaga na iwasan ang dalaga eh. Pero the more na iniiwasan niya ito, the more na nagugustuhan niya ito. Hindi siya nakita ng dalaga kaya malayang pinagmasdan ito. Sa gabing ito hindi niya pagkakaitan ang sarili.
Natutuwa si Nick habang pinagmamasdan niya ang dalaga na pilit na sumayaw. Napailing na lang siya na may kasamang ngiti tuwing nakikitang ang sagwa ng steps ng dalaga. Halata na hindi ito sanay sumayaw. Pero nang tumagal, nagwawala na ito sa dancefloor. At ang masaklap, may lasing na lalaking yumayapos kay Eve. Kitang-kita niya na pilit na kumawala si Eve sa pagkakayapos pero hindi nito nahihigitan ang lakas ng lalaki. Inis na inis si Nick. Hindi na niya natiis pa nakikita at dali-daling pumunta siya sa kinaroroonan ng mga ito at hinatak ang kwelyo ng lalaki at sinuntok. Nagsigawan ang mga tao sa paligid. Dahil lasing ang lalaki, hindi ito nakabangon agad. Gumapang-gapang ito at inawat siya ng iba pa na nandoon. Si Eve nakatayo parang tuod. Hindi makapagsalita sa nangyari. Hinablot ni Nick ang braso nito at hinila palabas ng covered court.
"Aw...binitawan niyo po ako. Nasasaktan ako," wika ni Eve. Nang makalabas sa covered court at medyo malayo sa karamihan, pinakawalan siya ni Nick.
"Ah, mas okay ba kapag yayapusin ka ng hayop na 'yon?" galit na wika ni Nick.
"Bakit ganyan kayo magsalita, sir? Ang baba naman ng tingin mo sa akin. Hindi ko akalain na ganyan pala kayo mag-isip," sumbat ni Eve.
"Eh bakit ka ba kasi ganoon ka sumayaw? Para kang..." hindi na nito tinuloy ang sasabihin. Napasapo na lang ito sa noo.
"Parang ano? Ituloy niyo!" galit na wika ni Eve. Palibhasa'y naintindihan niya ang gustong sabihin ng among binata.
"Tama na, tigil na natin ito. Umuwi ka na," wika ni Nick.
"Gusto ko lang naman sumaya! Mali ba 'yon? Gusto ko lang naman maibaling ang isip ko kahit ilang oras man lang. Hindi ko na kaya eh," umiiyak na si Eve. Hindi na niya napigilan pa ang kanyang mga luha. Halu-halo an kasi ang emosyon niya.
"Tama na. Umuwi ka na, mag-aalas onse na. Baka hanapin ka na ni mama," pinipilit ni Nick na pakalmahin ang sarili sa pag-aakalang susunod na dalaga sa utos niya.
"Puwede ba, sir. Tigilan mo nga 'yang kunwaring concern ka. Wala ka naman talagang pakialam sa akin. At wala ka ring pakialam sa buhay ko!" Naglakad pagawi ng covered si Eve na umiiyak. Ayaw niya pang umuwi. Gusto niyang ilabas ang lahat ang sama ng loob sa sayawan. Hindi pa naakabot ng sampung hakbang si Eve, hinila siya muli ni Nick pagkatapos ay hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. Walang salita. Napako ang tingin nito sa mga mata ni Eve na maluha-luha. Nagkatinginan muli sila gaya noong unang kitá nila. Hinayaan muli nilaa na suyurin ng kanilang mga mata ang kaibuturan ng kanilang hindi mawaring mga damdamin. Maya-maya pa, binasag ni Nick ang katahimikan.
"Hindi ko na kaya," maluha-luhang wika nito. Nanginginig pa ang mga gilid ng mga labi. "Pinilit ko talaga pero hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko," dugtong nito sabay hatak nito sa baywang ni Eve at masuyong hinalikan ang dalaga. Nagulat ang dalaga. Hindi naka-react noong sa nangyari. Pero nang maglaon ay tinugon na nito ang matatamis na halik ng binatang amo. Nang maubusan pareho ng hininga, dumistansya si Eve at saka tumingin sa mga mata ni Nick.
"Hindi ko rin kaya. Akala ko, wala ka na talagang pakialam sa akin," mangiyak-ngiyak na wika ni Eve.
"Ayaw kong masaktan ka ninuman. Natakot ako na baka saktan ka ng parents ko kung malaman nila na gusto kita. Kaya pinili ko na kalimutan ka pero sa tuwing ginagawa ko iyon, unti-unting kong sinasaksak ang sarili," emosyunal na wika ni Nick. "Mahal na mahal kita. At alam ko ring mahal mo ako. Hindi magsisinungaling ang mga mata natin," dagdag pa nito. At muli ay pinagsaluhan nila ang matamis na halik. Matagal. Sinulit nila ang pagkakataong iyon.
"Hindi puwedeng malaman nila mama ang tungkol sa atin. Antayin mo muna akong makapagboard exam. Pagkatapos pupunta tayo ng Manila," ni Nick.
"Paano si Jen? Sasabihin ba natin sa kaniya? Mukhang makakahalata 'yon dahil sa ginawa mo kanina."
"Huwag kang mag-alala. Noon pa lang may alam na siya sa damdamin ko sa'yo. Actually, noong gabi ng una nating pagkikita, kinausap ko siya tungkol sa'yo. Siya pa nga nagsabi na pahupain ko muna ang sitwasyon, baka nabigla lang ako at masaktan lang kita," wika nito sabay yakap ni Nick sa may baywang ni Eve.
"Pagkalolokohin mo lang ako, yari ka sa akin," babala ni Eve.
"Ito ang tatandaan mo, mahal na mahal kita. At huwag kang mag-alala, irerespeto ko ang p********e mo. Mag-aantay ako hanggang sa araw makasal tayo." Sabay haplos ni Nick sa pisngi ni Eve.
Nang makakita si Nick na walang tao sa waiting shed, dinala niya si Eve doon at umupo na magkahawak ang mga kamay.
"Bakit mo ako mahal?" tanong ni Eve.
"Kailangan bang may rason para mahalin mo ang isang tao?"
"Aba! Impossible naman kung walang rason. Ano, basta mo lang sabihin ang ganoon?"
"Hindi ko mai-describe ang damdamin ko para sa'yo. Pero isa lang ang tiyak na alam ko. May koneksyon tayo na tayo lang ang nakakaramdam. Aminin mo, ganoon ka rin, hindi ba? Hindi ba nga noong unang kita natin? Oo, maaaring hindi pa natin totoong kilala ang isa't-isa sa sandaling panahon na nagkakilala tayo. Pero hindi iyon dahilan para hindi natin subukan."
"Hindi kaya attractions lang ang nararamdaman mo? Paano kung may makikilala kang bago?"
"Ikaw ba, paano kung may makikilala kang iba?" ibinalik nito ang tanong kay Eve.
"Hindi ko alam. Kasi wala naman akong naman ako sa sitwasyon," tugon ni Eve.
"May mga makikilala't-makikilala talaga tayo na maaring susubok ng ating relasyon. Hindi maiiwasan 'yon. Pero paghandaan natin. Kilalanin natin ang isa't-isa, patitibayin natin ang ating relasyon. Pag-uusapan natin lagi ang mga bagay na hindi natin mapagkasunduan."
"Paano natin magagawa iyon kung patago tayo?"
"'Pag gusto, may paraan. 'Pag ayaw, maraming dahilan. Gawan natin ng paraan. Basta mula sa gabing ito girlfriend na kita."
"Ang lalim mo pala mag-isip," sabay ngiti ni Eve.
Maya-maya sumilip si Nick sa kanyang relo.
"Alas onse na. Mauna ka na, para hindi tayo halata. Mamaya na ako. Ihatid kita hangang entrance, hanapin mo Jen. Kapag hindi mo nakita, mauna na umuwi. Hihiram lang ko ng cap ng kaibigan ko para sundan kita sa malayo para sure ako na safe ka na nakauwi. Babalik ako sa court para hanapin ko mga kababata ko. Para hindi sila magduda."
"Sige. Paano pala tayo mag-uusap?"
"Magsusulatan tayo. Sa lumang aparador malapit sa quarters niyo, may mga aklat sa taas doon na pwedeng mag-ipit ng sulat. Ilagay mo sa pinaka-ilalim at siguraduhin mo na walang papel na nakausli para hindi mahalata. Every sunday night ng 9pm maglalagay ako ng sulat. Monday ng umaga ko kukunin ang sa'yo. Kaya dapat maagang maaga ka maglagay."
"Okay." Akmang hahakbang na si Eve pero pinigilan uli siya ni Nick.
"Bakit?"
"Kaya natin 'to!"
Tango lang ang tugon ni Eve.
"Bakit tumango ka lang? Wala man lang kiss? Baka matagalan pa bago kita mahahalikan muli," reklamo ni Nick. Kaya naman si Eve ay kusang lumapit at hinalikan ang kasintahan ng buong suyo.
"Okay na po, sir?" sabay ngiti ni Eve.
"I love you. Sige na mauna ka na, distansya lang ako para hindi tayo mahalata."
"Love you, sir."
"Parang sira 'to. Sir talaga?"
Ngiti lang ang tugon ni Eve.
At iniwan na niya ang kasintahan. Walang mapaglagyan ng tuwa ang puso ni Eve. Simula sa gabing ito, boyfriend na niya ang sir Nick niya.