Chapter 4

2243 Words
Yssabelle Dizon’s POV Wala na sa bahay si Kyle pag uwi ko. Siguro ay kanina pa siya umalis. Nagtungo na lang ako sa kusina para linisin ang pinagkainan niya. Napangiti ako nang makita na ubos na ang pagkain. Mabuti naman at kinain niya ang inihanda ko para sa kanya. Naghanda na rin muna ako para sa trabaho. Hindi ko pa rin nakakausap si Kyle tungkol sa bagay na ito. Hindi ko naman kasi pwedeng bitawan ang trabaho ko ng basta-basta na lang. Kaya naman pinipilit ko na lang munang umuwi ng maaga para maunahan ko si Kyle sa pagdating. "Yssa. Kanina ka pa namin hinihintay," salubong ni Carla pagdating ko. "Namin?" kunot noong tanong ko. "Oo. Namin," sabay turo sa lalaking nakatalikod sa direksyon namin. "Stephen?" gulat bulalas ko nang humarap na siya sa amin. Isa sa mga kaibigan ko si Stephen. Bago ko lang siyang kakilala, halos noong kakahiwalay namin ni Kyle. Nakilala namin siya ni Carla dahil kaibigan niya ang may-ari nitong publishing company. Hindi naman siya madalas bumisita dito dahil alam kong abala siya. Kaya naman gulat na gulat ako. Isa pa, may alam si Stephen tungkol sa akin na hindi alam ng iba… maliban na lang sa pamilya ko. "The one and only," ngiti niya. “Ano’ng ginawanga mo dito?” tanong ko na nang makapalit sa kanya. "Ouch,” halakhak niya. “Masama bang pumunta dito ng walang dahilan?" "Hindi naman. Akala ko kasi busy ka," Iyon naman kasi talaga ang totoo. Maraming pinagkakaabalahan si Stephen. Noong nakaraan lang ay umuwi siya sa Amerika para asikasuhin ang mga ari-arian nila roon. "I’m a bit busy, pero ayos lang,” aniya. “Ikaw talaga ang sadya ko. Are you free tonight?” “Huh? Bakit?” “I have something to tell you," lumapit siya ng kaonti sa akin para ibulong sa akin ang bagay na ‘yon. Alam ko na… Bumuntong hininga ako at hindi siya pinansin. Naglakad na ako patungo sa mesa ko. "Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, Yssabelle...” "E-ewan ko, bahala n-na…" hindi na ako makatingin ng maayos kay Stephen. Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga dapat kong gawin ngayong araw. "Please?" hinuli niya ang kamay kong inaayos ang mga gamit. "Okay, pero agad din akong uuwi, ha?" pugsuko ko dahil alam ko namang hindi niya ako titigilan hangga’t hindi ako pumapayag. “Great, I-text mo ako pagkatapos mo sa trabaho.” "Okay..." Inabala ko na ang sarili ko sa trabaho nang makaalis na si Stephen. Nasa kalagitnaan ako ng mga ginagawa nang makatanggap ako ng tawag mula kay Kyle. Sa unang ring pa lang, agad ko na itong sinagot. “Hello, Kyle?” pambungad ko. "Yssabelle," bumilis bigla ang t***k ng puso ko nang marinig ang baritong boses niya. "Nasa bahay ka ba?" Kinabahan ako sa tanong niya. Wala naman sigurong masama kung magsisinungaling muna ako ngayon, ‘di ba?  "A-ahh.. Oo.. B-bakit?" "Can we talk? Uh.. Tonight?" "S-sure.." nilaro ko ang aking mga daliri. Ano kayang pag-uusapan naming mamaya? “Okay, then. See you later,” huminga siya ng malalim bago dagdagan ang sinasabi. "Take care.." Pinutol na kaagad ni Kyle ang tagaw pagkatapos bigkasin ang huling sinabi niya. Naninibago ako ngayon sa kanya. Walang halong galit at iritasyon ang tono ng boses niya. May kaonting pag-asang umusbong sa puso ko dahil sa inasal niya. Baka naman lumambot na ang puso niya at bibigyan na niya ako ngpagkakataon ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Parang siya ang Kyle noong una kong nakilala. Tandang tanda ko pa… Pumunta ako sa trabaho ni papa para ihatid ang pagkain niya. Hindi kasi siya nakakain ng maayos nitong mga nakaraang araw dahil madalas niyang inaatupag ang trabaho. Dapat ay si mama ang maghahatid kaso sabi ko ay ako na lang dahil wala naman akong gagawin sa bahay dahil day-off ko. “Hi. Good morning. Pwede ba kay Arturo Dizon?” tanong ko sa receptionist. “Ano pong kailangan nila?” “Ihahatid ko lang sana tong pagkain sa kanya. Anak niya po ako, si Yssabelle Dizon.” Sabay pakita nng ID ko. “Ahh, ganu’n ba? Sa 3rd floor ang opisina nila.” “Okay. Salamat.” Dumiretso na ako sa elevator. Mabuti na lang at wala akong taong nakasabay, mas mapapadali ang pag akyat ko. Pasara na sana ang pintuan nang may biglang sumigaw. “Wait!” Tumakbo siya at pumasok na. Muntik pa nga siyang maipit sa pinto. “Whoo! Muntik na ko du’n, ah.” Tumayo na lang ako ng tuwid at tiningnan ang repleksyon ng lalaking kasabay ko sa metal na pader ng elevator. Pinupunasan niya ang kanyang noo gamit ang likurang bahagi ng kamay niya. Nagulat ako nang bigla na lang din siyang tumingin sa repleksyon ko. Nag-iwas kaagad ang ako ng tingin. Nakakahiya! “Bago ka ba dito? Parang ngayon lang kasi kita nakita,” tanong ng lalaki makalipas ng ilang sandali. “Ah, hindi. Hindi ako empleyado dito." “Oh.. anong ginagawa mo dito?” “Ihahatid ko lang to sa papa ko,” sabay taas sa pagkain na dala ko. “Ahh. Nagtatrabaho ba siya dito?” “Yup..” “As what?” “Hmm.. agent siya sa isang real estate company.” Tumango tango naman siya. “Palagi mo ba siyang hinahatiran ng pagkain dito?” “Hindi. Ngayon pa lang,” hindi ko alam kung bakit ko nga ba sinasagot ang mga tanong niya. “Ahh, okay.” Hindi na ako nagsalita pa. Mabuti na lang at bumukas na ang elevator. Ngayon ko lang napansin na parehong floor pala ang sadya namin. Siguro’y isa rin siya sa mga empleyado sa trabaho ni papa. Sabay kaming lumabas ng lalaki at hindi na kami nagpansinan pa. Takang-taka ako dahil “sir” ang tawag sa kanya ng bawat empleyadong nadadaanan niya. Mataas siguro ang posisyon niya kaya gano’n ang tawag sa kanya. “Papa,” tawag ko ng makita siya na may binabasang mga kumpol ng papel. Mabilis siyang napalingon sa akin. “Oh, anak. Anong ginagawa mo dito?” “Pinapadala po ni mama para sa inyo,” nilapitan ko si papa at itinaas ang pagkaing dala ko. “Nag-abala ka pang pumunta dito, anak. Ayos lang naman ako.” “Pa, ayos lang po. Masyado kang busy sa trabaho. Hindi ka na nakakakain ng maayos.” “Napakalambing talaga ng anak ko,” ngiti ni papa at inabot na ang mga dala ko.“Sabay na tayong kumain?” “Ahh, hindi na po, pa. Aalis na rin ako para hindi ka na masyadong maabala sa trabaho. Hinatid ko lang po talaga ‘yang lunch niyo.” “Ganun ba, anak. Oh, sige.” “Anak mo pala siya Mr. Dizon?” pareho kaming natigilan ni papa nang may magsalita sa likuran ko. Lumingon ako at bumungad sa akin ang lalaking nakasabay ko sa elevator kanina. "Yes, sir. Magkakilala kayo?” “Nagkasabay kami sa elevator kanina. Sana makita ko pa siya madalas dito,” bigla akong naubo nang marinig ang mga salitang ‘yon. “Kayo talaga, sir..” tawa ni papa. “Si Yssabelle po, anak ko… Yssabelle, si Kyle Joshua Cristobal, anak ng may-ari ng kumpanyang ‘to.” “Hi..” sabay na bati naming sa isa’t-isa. Medyo hindi na ako naging kumportable sa tingin ni Mr. Cristobal, kaya naman nagpaalam na ako sa kanila ni papa. Ang buong akala ko ay ‘yun na ang una at huli naming pagkikita. Nagkamali ako. Dahil simula nang araw na iyon, palagi ng nagku-krus ang landas namin. Isang araw ay bigla na lang siyang sumama kay papa sa bahay namin. Lahat kami ay nagulat. Pero mas nakakagulat nang magpaalam siya sa mga magulang ko kung pwede ba niya akong ligawan. Sa una ay hindi ako payag sa ideya dahil hindi pa naman ako nagkaka boyfriend. Ngunit nagbago lahat simula ng ipakita niya kung gaano siya kapursigido para lang mapa-oo ako. Kaya lang, isang mapait na pangyayari ang siyang sumira sa relasyon namin. Hindi ko naman talaga intensyon na sabihin ang mga salitang hindi dapat noong naghiwalay kami. Gayunpaman, sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Dapat ay hindi ko na lang sinabi iyon. Sana’y hinayaan ko na lang ang mommy niya. Gusto kong ipaliwanag kay Kyle ang lahat, pero paano ko gagawin ‘yun kung sarado pa rin ang mga tainga niya na pakinggan ako? Wala namang katotohanan lahat ng sinabi ko noong gabing ‘yon. Ni minsan, hindi ko naisip na huthutan siya ng pera. Hindi ko siya minahal ng dahil lang sa pera. Pagkatapos ko sa trabaho ay tinext ko na si Stephen. Sinabi ko sa kanya kung saan kami magkikita, sa coffee shop na malapit lang sa trabaho ko. Alas tres pa lang ng hapon, hindi ko na papatagalin pa kung ano man ang pag-uusapan naming. Kailangan kong maunahan si Kyle sa pag-uwi. Isa pa, gusto ko ring malaman kung ano ang pag-uusapan naming mamaya. “Hi!” bati ni Stephen pagpasok niya sa coffee shop. “Hello..” “Order muna tayo?” Tango lang ang iginawad ko sa kanya. Pumunta si Stephen sa counter para sa order namin. Tahimik lang ako habang hinihintay siya. Hindi pa man nag-uumpisa ang usapan naming, alam ko na kaagad kung ano ang magiging takbo nito. Sigurado naman ako na tungkol na naman ito sa estado ko ngayon. Maingat na ibinaba ni Stephen ang mga order namin sa mesa pagdating niya. Nagkatinginan kaming dalawa. Seryosong tingin ang ipinupukol niya sa akin, na tila ba alam na alam na niya kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Agad kong binawi ang tingin sa kanya dahil naiilang na ako. “Tungko sa offer ko… napag isipan mo na ba?” “Hindi p-pa..” “Yssabelle, 47 days na lang,” aniya. “Malaking tulong ‘to para sa ‘yo.” “H-hindi ko pa rin talaga alam…” Ang totoo kasi, gusto niya akong isama sa Amerika para pagtuonan ko ng pansin ang sarili ko. Hindi naman kaso gano'n kadali ang sinasabi niya kahit na tulungan pa niya ako. Isa pa, masyadong malayo ang bansang iyon dit. Ibing sabihin ay mapapalayo ako sa pamilya ko at kay Kyle. “Para rin naman ito sa sarili mo, Yssabelle…” “Alam ko naman ‘yun,” inabot ko ang kape sa mesa. Ininom ko muna ‘yun bago siya sagutin ulit. “Basta bigyan mo lang ako ng sapat na oras para makapag isip.” “Okay,” hinawakan ni Stephen ang isang kamay kong nakapatong sa mesa. “Basta sabihin mo kaagad sa akin pag handa ka na.” “S-sige..” “Kung pera ang iniisip mo, wala namang problema do'n. Pangako ko sa--“ hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil may biglang nagsalita sa likuran ko. Pareho kaming natigilan ni Stephen. Napabitaw pa siya sa kamay ko. Nanlamig ako nang marinig ang boses ni Kyle. “Dating behind my back, huh, Yssabelle? That’s great!” hinila niya ang braso ko kaya napatayo ako. Napangiwi naman ako sa sakit ng maramdaman ang higpit ng paghawak niya. “Sino ka?” napatayo na rin si Stephen. “Hinuhuthutan ka rin ba ng pera ng babaeng to?!” malakas na sigaw ni Kyle, kaya halos lahat ng tao dito sa coffee shop ay napatingin sa direksyon namin. “G*go ka, ah! Wala kang galang sa babae!” sinuntok ni Stephen si Kyle, dahilan para mapaupo ito at mabitawan ang braso ko. Napatayo agad si Kyle at ginantihan ng suntok si Stephen. Kaya naman si Stephen na ngayon ang napaupo sa sahig. “Tara na, Yssabelle!” marahas akong hinila ni Kyle palabas ng coffee shop. Hindi na kami nagawang pigilan pa ni Stephen dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok sa kanya. May bahid pa ng dugo ang gilid ng labi niya at ilong. “Kyle, nasasaktan ako…” mahinang daing ko dahil sobrang higpit talaga ng hawak niya sa braso ko. Ngunit parang wala siyang narinig. Mas lalo pa niyang idiniin ang hawak sa akin. Binuksan niya ang pintuan ng kanyang sasakyan at tinapon ako doon na parang isang bagay lang. Pumasok na rin siya sa loob at halos mapatili ako ng hampasin niya ng malakas ang manibela. Takot na takot ako ngayon. Natatakot ako sa kanya. Pakiramdam ko’y kaya niya akong saktan anumang oras. Pinaandar na ni Kyle ang sasakyan at nagmaneho na siya pauwi. Hindi niya ako kinikibo habang nasa byahe kami. Sobrang bilis ng pagpapatako niya, kulang na lang ay banggain niya ang mga sasakyang nasa harapan namin. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay niya. Kinaladkad niya ulit ako hanggang sa makapasok na kami sa loob. “GANYAN KA BA TALAGA KADESPERADA PARA SA PERA!” napapikit ako sa sobrang lakas ng sigaw ni Kyle. “N-no.. H-hindi ganu’n, Kyle… m-magpapaliwanag ako,” depensa ko. “Magpapaliwanag ka na naman? Wala akong balak pakinggang ang mga kasinungalingan mo!"  “M-mali ang iniisip mo,” hagulgol ko. “Wag ka ngang umiyak d’yan! Hindi ako naaawa sa 'yo!” “Kyle, please…” Hinila niya ako patungo sa kwarto niya at marahas na ibinagsak ang katawan ko sa kama. “Hindi ko na alam ang gagawin ko sa ‘yo, Yssabelle!” Magsasalita pa lang sana ako ngunit bigla siyang pumatong sa akin at ginawaran ako mararahas na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD