"Damn! Tell me! Nasaan siya?!" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa pagsigaw. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi ay hindi magandang balita ang sasabihin ng private investigator. "Sir, mas mabuti po siguro kung pumunta nalang kayo rito," mahinahon ngunit kabadong sabi niya. Tumayo ako at hinawakan ang aking ulo. Huminga ako ng malalim. "Tell me what happened," sabi ko. "Sir, hindi ko po alam kung paano ko ipapaliwanag sa inyo. Mas mabuti po siguro kung magkita nalang tayo." Bakit ba binibitin pa niya ako? Mas lalo tuloy akong kinakabahan. "Saan ka ba ngayon?" "Sa Blue Meadows po," mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Anong ginagawa niya dun? Dito ba niya nakita si Yssabelle? Binaba ko na ang linya. Ayoko munang mag isip ng kung anu-ano. Ayokong bumuo ng konklusyon sa utak

