Pauwi na kami ngayon ni Kyle. Naging maayos na ang lahat sa pagitan namin. Sinigurado namin sa isa't isa na hindi na kami maghihiwalay. Ipinangako namin na kakayanin namin ang lahat. Masaya rin ako dahil walong araw pa lang ang nakakalipas mula nang bumalik ako sa kanya pero naging ayos na kami. Ito naman talaga ang gusto kong mangyari. Ang buong akala ko ay hindi na talaga niya ako tatanggapin. At ngayon, masaya akong malaman na ako pa rin ang laman ng puso niya. Ngunit panandalian lang ang sayang nararamdaman ko nang maalala ko kung bakit nga ba ako humingi ng limampung araw para makasama si Kyle. Sumagi sa isip ko ang kasunduan namin ni Stephen. Apatnapu’t dalawang araw na lang ang natitira at kailangan ko nang magdesisyon. Pero dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraan araw, mukhang m

