Chapter 6

2095 Words
Wala na sa tabi ko si Kyle paggising ko kinaumagahan. Bumangon ako at saglit na hinawakan ang aking ulo nang maramdaman ang pagkirot nito. Ang buong akala ko ay titigilan na niya ang unang beses na nangyari kahapon. Ngunit nagkamali ako. Dahil nang matapos kaming maghapunan kinagabihan, inulit niya ulit iyon. Hindi niya ako iniimik at blanko ang ekspresyon niya habang ginagawa namin ‘yun. Hanggang ngayon ay nakapinta pa rin sa isip ko ang sinabi ni Kyle tungkol sa pagiging isang bayarang babae ko. Masakit iyon sa akin dahil hindi naman totoo ang bagay na ‘yun. Hindi ko lubos maisip na gano’n na ang tingin niya sa akin. Dahil ni minsan, hindi ako nagkaroon ng interes sa pera niya… lalong lalo na sa pera ng pamilya niya.  Tumayo na ako at pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig. Pumasok ako sa banyo at humarap sa salamin. Ang dami kong mapupulang pasa sa leeg pati na rin sa dibdib. Hindi naging maingat si Kyle sa mga halik niya kaya nag-iwan ito ng mga marka. Maliligo na muna ako, para kahit papano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Kahit na masama ang pakiramdam ko ay kailangan ko pa rin pumasok sa trabaho. Napatingin ako sa orasan, pasado alas nuebe na ng umaga. Nagmamadali akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi. Late na ako… late na naman. “Late ka na naman, Yssa,” puna kaagad ni Carla nang makita akong kakapasok lang. Sinulyapan ko siya sandali. "Hindi kasi ako agad nagising. Medyo masama ang pakiramdam ko,” sagot ko pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa mesa ko. "Ba't ka pa pumasok? Sana nagsabi ka na lang para nakapag pahinga ka," hindi ko napansin na nakasunod pala si Carla sa ‘kin.  “Ayos lang naman. Kaya ko. Tsaka maraming—“ nilingon ko si Carla. Napakunot ang noo ko nang makitang malalim ang tingin niya sa ‘kin. “Bakit?” "Ano ‘yan?" sabay turo sa leeg ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad na napahawak sa leeg ko. Nakalimutan ko palang takpan ang mga marka na gawa ni Kyle dahil masyado akong nagmamadali kanina. "A-ahh, w-wala lang ‘to. K-kagat lang ng lamok," dahilan ko. "Alam mo, hindi ka talaga marunong magsinungaling," napabuntong hininga si Carla. Hinila niya ang kanyang upuan para tumabi sa ‘kin. "May ginawa ba siya sa ‘yo?" Alam ko… Alam ko kung ano at sino ang tinutukoy niya. Napaiwas ako ng tingin at itinuon na lang ang atensyon sa trabaho. Ayokong sagutin ang tanong niya dahil sigurado akong magagalit siya kapag nalaman niya ang totoo. "Sumagot ka nga Yssabelle!" nataranta ako sa pagtaas ng boses niya. "W-wala nga," alam kong sa tono pa lang ng pananalita ko, wala ng katotohanan ang sagot ko. "Yssa naman! Pumayag na kami ng mga magulang mo na sa kanya ka tumira, pero sana naman bigyan mo ng kahit na konting awa ang sarili mo!" mahina ngunit mariin na sabi ni Carla. Halos maiyak na siya habang nagsasalita. Napayuko na ako dahil hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung ano nga ba talaga ang isasagot ko. "Sige. Kung ‘yan ang gusto mo, hindi ka na namin pipigilan,” tumayo na si Carla mula sa pagkakaupo. “Pero sana’y wala ng buhay ulit ang mawala kapag iniwan ka na naman niya!" ‘yun lang ang sinabi niya pagkatapos ay bumalik na siya sa kanyang mesa. Nanlumo ako sa sinabi ng aking kaibigan. Nanigas ako sa kinauupuan ko at halos hindi na makagalaw dahil naalala ko na naman ang isang mapait na pangyayari. Bumalik na naman sa akin ang alaala ng nakaraan. Bigla nal ang tumulo ang mga luha ko ng maalala ulit ang pangyayaring ‘yun… Dalawang buwan na kaming hiwalay ni Kyle. Humahanap ako ng tamang tyempo para makausap siya. Ilang beses na kasi akong nagtangka ngunit palagi kong naaabutan ang mommy niya na nando’n sa bahay ni Kyle. Sa huli, pinipili kong umalis na lang muna. Pero ngayon… naipon ko na ang lakas ng loob. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng bahay niya. Hindi ko pa rin alam kung ano ang mga sasabihin sa kanya. Bahala na mamaya. Ang importante ay makausap ko siya. Pinindot ko na ang doorbell. Hindi ako mapakali at ang mga kamay ko ay pawis na pawis na. Pinindot ko ulit ang doorbell dahil tatlong minuto na yata ang lumipas pero wala pa ring nagbubukas ng gate. Sinilip ko ang kaunting siwang sa gate at napagtanto na wala ang sasakyan ni Kyle. Ibig sabihin ay wala siya rito sa bahay niya. Mukhang nagkamali ako ng araw sa pagpunta rito. Dahil wala rin naman akong mapapala, napagpasyahan kong umalis na lang. Pero hindi pa man ako nakakalayo, nakita ko na ang sasakyan ni Kyle na paparating. Bumalik ang ngiti sa labi ko. Tatakbo na sana ako palapit sa kanya ngunit natigilan ako dahil may babae siyang kasama sa loob ng sasakyan. Lumapit pa ako ng kaunti sa kanila. Nagtago ako sa mga halaman para hindi nila mapansin ang presensya ko. At mukhang hindi rin naman talaga nila ako makikita dahil abala silang dalawa sa pagtatawanan. Hinawakan ng babae ang braso ni Kyle, kaya naman natigilan sila sa pagtawa. Bumaba ang tingin ni Kyle sa kamay ng babae na humahaplos sa braso niya. Unti-unti siyang lumapit sa babae para siilin siya ng halik. Hindi ko alam kung masokista ba ako o ano pero hindi maalis ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Gusto kong tumakbo palayo ngunit hindi ko magawa. Napako na yata ako sa kinatatayuan ko. Ilang sandali pa ay naghiwalay na ang labi nila. Hinawakan ng babae ang pisngi ni Kyle. Hindi ko na nakita pa ang mga sumunod na nangyari dahil bumukas na ang gate at ipinasok na ni Kyle ang sasakyan sa loob. Ako naman ay parang tuod na naiwan dito sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko na lang na basa na ang pisngi ko. Umiiyak na pala ako. "Yssabelle. Tara kain na," aya sa akin ni Carla. "Sige, una kana." "Isang linggo ka ng ganyan. Lagi kang mukhang walang gana. Huwag mo ng isiping yung g*gong ‘yun," puno ng inis na sabi niya. Isang linggo na ang nakalipas simula nang huling beses kong makita si Kyle. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko parin ang sakit sa tuwing naaalala ko siya at ang babaeng kahalikan niya. Naninikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko na pinagpalit na niya ‘ko ng gano’n kabilis. "Kakain din naman ako pag nagutom ako," baling ko kay Carla. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya tungkol kay Kyle. "Hay, sige. Ikaw ang bahala. Mukhang hindi ka naman mapipilit." Pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko. Ito lang naman kasi ang alam kong paraan para hindi ko maisip ang mga bagay na nagpapalungkot sa akin. Pero… sino nga bang niloloko ko? Ni minsan naman ay hindi nawala sa isip ko si Kyle. Walang araw ang lumipas na hindi siya ang iniisip ko. Sa tingin ko nga, mas mahal ko siya ng higit pa sa sarili ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagta-trabaho nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Nagmamadali akong pumunta sa banyo. Napansin ko lang, madalas akong makaramdam ng pagkahilo nitong mga nakaraang araw. Lalo na kapag nagigising ako sa umaga, ang bigat ng pakiramdam ko. Ano kayang nangyayari sa akin? Naghilamos na lang ako ng mukha. Kaya lang, hindi naibsan ang pagkahilong nararamdaman ko. Napagpasyahan kong lumabas na para makainom ng gamot. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang makaramdam ako ng pananakit sa puson. Nagdilim ang paningin ko kasabay ng pag upo ko sa sahig. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang huling natatandaan ko ay ang pagdaloy ng dugo sa pagitan ng mga hita ko. "A-anak…" dinig kong boses ni mama. Minulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting kisame. "M-mama. N-nasaan ako?" nanghihinang tanong ko. Nakaramdam ako ng sakit ng katawan, lalong lalo na sa ibabang parte ng katawan ko. "A-anak ko," mahigpit na hinawakan ni mama ang dalawang kamay ko. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. Ang alam ko, naghilamos ako dahil nahihilo ako. Biglang sumakit ang puson ko at nagdilim ang paningin ko kaya napaupo ako sa sahig. Tapos may umaagos na dugo sa pagitan ng hita ko... Dugo?! Teka, ano ba talagang nagyayari? "A-anong nangyayari?" napatingin ako sa paligid. Nakatayo sa isang sulok si papa at nandito rin si Carla. Lahat sila ay malungkot ang mukha. "Bakit hindi mo sinabi, anak?" mahinang tanong ni papa. "A-ang ano?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Napatingin ako kay Carla, nag iwas lang siya ng tingin. Ganun din si mama na patuloy parin sa pag iyak. "W-wala na ang baby mo," halos bulong na lang iyon nang sabihin ni mama pero dinig na dinig ko ‘yun. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Buntis ako? Buntis ako… Bigla akong napaisip. Isang buwan na nga pala akong hindi dinadatnan. Kaya ba kakaiba ang ikinikilos ko nitong mga nakaraang araw? Pero ano ang sinasabi nila na wala na ang baby ko? "M-ma, a-ano pong wala na? Nagbibiro ka lang, di ba?" pigil hiningang tanog ko. Nag iwas siya ng tingin kaya kay Carla ako bumaling . "Carla… b-buhay si baby, di ba? Nandito parin siya sa tyan ko? Diba? Sabihin mo nagbibiro lang si mama. Please, Carla,” napayuko lang siya at tahimik na humikbi. Hindi. Hindi patay ang anak ko! Walang nagsalita sa kanila kaya hindi ko na napigilan pang ilabas ang nararamdaman ko. "Magsalita naman kayo! Buhay a-ang anak ko, d-diba! Please. Hindi siya patay... ang baby ko!" sigaw ko. Lumapit sa tabi ko si papa at Carla, habang si mama naman ay niyakap ako ng mahigpit. "Please, ang anak ko!" Lumuwag ang yakap ni mama sa ‘kin at hinawakan ni Carla ang kamay ko. "Yssa, masyadong marami ang dugong nawala sa 'yo. Buti na lang at may nakakita sayo sa banyo. Kung hindi, baka pati ikaw ay nawala na rin sa amin." "Naging mahina ang kapit ng anak mo," dagdag pa ni papa. "Sasabihin ko ito kay Kyle." Napaangat ako ng tingin sa kanya. "W-wag po, pa..." nagmamakaawang sabi ko. "Anak naman! Kasalanan niya kung bakit ka nagkakaganyan! Nagtiwala ako sa kanya dahil ang sabi niya ay hindi ka niya sasaktan! Pero anong ginagawa niya ngayon?! Wala! Ni hindi ka man nga niya kayang pakinggan sa mga paliwanag mo! Nasasaktan ako sa pag nakikita ko kung gaano ka kamiserable! Samantalang siya, ano?! Ayun! Nagpapakasaya sa iba't ibang babae! Yssabelle, hindi ka namin pinalaki ng mama mo para lang magpakatanga ka sa isang lalaking hindi ka naman kayang pakinggan!" puno ng galit at hinanakit na sabi ni papa. Niluwagan ni Carla ang pagkakahawak sa kamay ko para mayakap ulit ako ni mama. "T-tama ang papa mo, anak.” Hindi na ako nagsalita pa dahil alam kong matatalo lang ako sa kanila. Kahit kailan, hindi ko sisisihin si Kyle sa nangyari. Hindi naman niya alam itong kalagayan ko. Ako ang may kasalanan dahil pabaya ako. Kasalanan ko dahil hindi ko inalam ang nangyayari sa katawan ko. Simula ng araw na makunan ako, napagpasyahan ko na huwag na munang magpakita kay Kyle. Nahihiya ako sa kanya dahil pinabayaan ko ang anak namin. Tama lang na kaparusahan ito sa akin. Tama lang na pahirapan niya ako dahil hindi ko nagawang buhayin ang anak namin. Si mama, papa, pati na rin si Carla ay si Kyle parin ang sinisisi nila. Pinipilit kong sabihin sa kanila na wala siyang kinalaman sa mga nangyari dahil ‘yun naman talaga ang totoo. Hindi dapat siya sisihin. Kasi, ako ang pabaya. Ako lang… wala ng iba. Nang mangyari ‘yun, nag-resign na si papa sa kumpanya nila Kyle. Sinubukan ko siyang pigilan ngunit buo na ang desisyon niya. Mahal niya ang trabaho niya at nakokonsensya ako na kinailangan pa niya itong iwan para sa kapakanan ko. Sa paglipas ng mga buwan, unti-unti ko na ring natanggap ang pagkawala ng anak namin ni Kyle. Ang sakit lang dahil hindi ko man lang siya nagawang alagaan. Ang sakit lang dahil huli na nang malaman kong buntis pala ako. Ang sakit dahil hindi ko na pwedeng ibalik ang buhay ng anak ko. Marahas kong pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ako sarili ko dahil masyado akong mahina…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD