2:Taguro

2162 Words
KURTNEY ELIZABETH POV** Madaling araw pa lang ay gising na kami ni Shiena para mag tinda sa palengke. Nakapag luto na ako ng almusal namin pero doon na kami sa palengke ni Shiena mag kakape habang nag titinda. Tinabihan ko na lang ng almusal si Ezekhiel at nanay isay. Hinalikan ko na sa noo ang anak ko bago ako umalis. Uuwi naman kami mamayang tanghali para kumain at makapag pahinga. Babalik ulit kami sa hapon para muling mag tinda. Ganito lang ang buhay namin araw-araw. Sapat lang ang kinikita para maka-survive kada araw. Pinipilit ko makapag ipon para sa pag-aaral ng anak ko para hindi naman siya magaya sakin na senior high lang ang natapos. Magulo at maingay dito pero masaya kami. Uso dito ang bayahanihan. Maliban lang sa isang mag-anak dito na hindi mo malaman san pinaglihi. Bukod tangi lang sila na iba ang pag-uugali. Parang lahat na lang kina-iinggitan. Hindi ka talaga pwede umangat sa buhay hanggat andiyan sila! Mga salot sa lipunan. Selos na selos pa sa amin ni Shiena yung anak ni aling Myrna na babae na si Perlas dahil closed sa amin si Nixon. In-love kasi siya sa kolokoy na toh, ayaw naman sa kaniya makipag lapit ni Nixon. Kaya sa amin siya nagagalit. Itsura niya! Mukha kasi siyang clown sa kapal ng make up. Kaniya-kaniya na kaming hikayat sa mga customer, yung iba ay regular na naming mamimili. Maliit lang ang patubo ko sa isda naman kaya naman mas maraming bumibili sa amin. Ang importante maubos at walang masayang. Kaya minsan napapa-ngiwi na lang ako pag sobra naman makatawad yung customer wala ng tubo bawas pa puhunan. Naku! Sa mga nag titinda po kayo ng baboy mang barat! Kagaya niyang si Nixon laki ng tubo niya diyan sa mga karne niya palibhasa gwapo kaya mataas din mag presyo. Tsk. Malantod. "How much is this miss?" Tanong ng isang napaka gwapong lalaki na palagay ko ay foreigner or may lahing foreigner. Napatulala naman kami ni Shiena maging ang ibang tindera at mamimili na mga kababaehan dahil para kaming naka-kita ng astig na anghel na bumaba sa lupa. " Miss?" "Hi baby, I mean sir! 200 po ang kilo niyan pero para sayo 100 na lang may libreng kiss at hug pa!" Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Sinapian na naman ng kalandian itong bff ko. Basta naka-kita ng gwapo parang lagi kiniliti yun ano! "Really?" "Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cup cake ko?" Nasiko ko naman si Shiena. Hugis puso na kasi yung mga mata niya! "What?" Naguguluhang tanong ni Mr. Right este ni Mr. Foreigner. "No, sir. She's just kidding. It's 180 pesos per kilo." Woah! Nose bleed ako dun ah! "Alright. Give me 5 kilos each kind." "Each kind? As in lahat ng klase ng paninda namin?" Hindi makapaniwala kong tanong. Nakalimutan ko tuloy na tagalog yung pagkaka-tanong ko! "Yes. Lahat" Oh, diba? Ang damuho marunong pala mag tagalog! "Right away sir!" Masiglang sabi naman ni Shiena. Daming energy ah! Habang abala kami mag timbang at mag balot ng pinamili nila, nakita kong naka-titig lang siya sa akin at parang may pilit inaalala. Nailang naman ako sa titig niya. Hindi naman nakakabastos pero na iilang pa din ako. Hindi ko naman masasabi na may gusto siya sakin. Ibang-iba kasi kumpara sa kung paano ako tignan ni Maximo. Hindi na ko naka-tiis at tinanong ko na siya. "Ahm, Sir, may dumi ba ko sa mukha?" "Ah, no. Iniisip ko lang kung saan ba kita nakita. You look familiar kasi. My bad. It's rude to stare at someone that way. Forgive me with that." Apologitic at malumanay niyang sabi. Maya-maya pa ay may dumating pa na isang napaka-gwapo ding lalaki na sa palagay ko ay kapatid niya dahil magka-mukha sila at mas bata ito tignan. Pero kabaligtaran nung isa, mas jolly itong bagong dating. Parang may pagka playboy. "Yow, kuya! Bakit ang tagal mo? Gusto ko na makakita ng mga chika babes sa beach eh. " "Just wait, assh0le. Malapit na sila matapos." Napatingin naman sa amin yung tumawag sa kaniya ng kuya at napa-tulala sa amin ni Shiena. Lumapit ito sa amin nag pakilala. "Hi, gorgeous ladies! Ang tagal ko nang nag lilibot sa kung saan-saan, dito ko lang pala matatagpuan ang babaeng magpapatibok ng pantalon ko. I mean ng puso ko! Hehe. I'm Blake Jerwin! You can call me Blake or Jerwin pwede rin namang baby!" Nginitian ko lang siya at hindi na ko nakipag kulitan sa kaniya. Busy pa ko. Si Shiena na lang bahala humarot sa kaniya. May nag mamay-ari na ng puso ko at kahit kailan hindi yun mapapalitan. "Hi baby ko! Ako nga pala ang tadhana mo! Bakit ngayon ka lang dumating? Nung isang taon pa kita inaantay. May 13 inches ka rin ba? Hehe!" Napa-pikit mata naman ako sa kaharutan ng babaeng toh! Hindi talaga siya maka-move on sa 13 inches na yan at gusto niya talaga makakita! "13 inches? I have 13.5 inches. Wanna see?" "Oh, yes! Yes baby!" Nagta-talon pang sabi ni Shiena. Nahampas ko naman siya ng talong ni Aling Bebang na ka-bibili ko lang kanina. "Ouch! BFF naman eh. Nag bibiro lang eh!" "Ayusin mo yang biro mo ha! Kadalaga mong tao! Haliparot ka! Tulungan mo na nga ako!" "Ito na nga oh! Init naman ulo ni bff ko. Ganyan ba talaga pag hindi na nakaka-tikim ng 13 inches?" Inambahan ko naman siya nahahampusin ko siya ng talong. Pisting babae toh! "Hehe. Love you bff! Ay! Baby, este sir. Ano po pala pangalan nung kuya mong gwapo din?" "Haha. You're so cute! He's my older brother, Brent. Mas gwapo naman ako sa kaniya. Masungit yan! Kaya lagi nasasapak ng girlfriend niya eh!" Halos pabulong na sabi ni Sir Blake. "I heard you, bastard!" "Joke lang naman kuya! Hindi naman kita isusumbong kay Meerah!" Brent? Meerah? Hindi naman siguro sila yung mga kakilala ko nung bata pa ako, right? At sa wakas natapos na kami ni Shiena sa pag babalot ng order ni Sir Brent. Pero si Shiena landian na may konting pagbabalot ng isda! Napaka naman talaga! Pag ito talaga na dali ng rumaragasang 13 inches, sleeping beauty abutin neto. Mas maaga kami nakauwi ngayong araw dahil maaga na simot sarap ang mga paninda naming isda. Kaya nginig balun-balunan atay na naman sa amin si Perlas at Aling Myrna. Wala talagang gamot sa sakit nilang inggit. Tse! Dahil maaga-aga pa naman ako na lang din ang sumundo sa anak ko sa school. Nilalakad lang namin. Hindi naman kalayuan ang school ng anak ko. Grade 1 na siya ngayon sa edad niyang 5 taon. In-advance na siya ng teacher niya kasi masyadong matalino si Ezekhiel para sa edad niya. Marunong pa sa teacher! Hindi naman bully si Ezekhiel pero lumalaban talaga siya pag napipikon na siya. Lagi kasi siya inaasar ng mga bully sa school na putok sa buho o kaya naman ay anak ng engkanto dahil hindi daw nila nakikita ang papa ni Ezekhiel. Mga papansin lang! Sila may tatay nga, mga lasenggo naman at tambay pa! Wala ring silbi! Hindi man nag sasabi ang anak ko pero alam ko hinahanap niya rin ang papa niya at gusto niya rin makasama. Nakauwi na kami ni Ezekhiel. May nakahanda na ring meryenda sa amin si nanay Isay. Nag luto siya ng biko sa latik na paborito naming lahat dito lalo na pag may hinog na langka. Napaka bango. "Alam mo nay, kaya maaga kami kanina nakaubos ng paninda, dumating kasi yung prince charming ko. Sabi niya may 13.5 inches daw siya. Sayang nga lang hindi ko natanong kung yung 13.5 inches ba na yun ay galit na ba or kung tulog pa. Awww!" Natawa naman ako ng hinila ni nanay Isay ang buhok niya. Yan kasi! Deserve! "Bunganga mo! Naririnig ka ng apo ko oh!" "Ay, sorry pamangkin. Nandiyan ka pala! Hehe!" "What's 13.5 inches tita? Is that a ruler?" Curious na tanong ng anak ko. Sinamaan naman namin ni nanay ng tingin si Shiena. Mamaya itanong niya yun sa ibang tao, nakakahiya! "Don't mind your tita Shiena, anak. Kulang kasi sa vitamins yan nung bata kaya lumaking kulang-kulang." "Really? Are you really kulang-kulang tita? But you looked fine naman po. Do you want to go to a doctor?" Inosenteng tanong ni Ezekhiel. Ayan bahala ka diyan magpaliwanag ngayon ! "No, anak. Hind niya na kailangan ng doctor kasi si Inang Rosa lang ang makakagamot sa kaniya. Don't worry, dadalhin ko siya doon." Napangisi naman ako kay Shiena ng bigla siyang namutla ng marinig ang pangalan ni Inang Rosa. Makakaganti din ako! Buwahahaha "NO WAY!!!" Tawang-tawa kami ni nanay sa naging reaksyon ni Shiena. Ayaw naman pala niya gawin sa kaniya ang orasyon na ginawa sa akin ni Inang Rosa lalo na yung pagbuga ng hininga sa mukha. "Nag sorry na nga yung tao diba?!!" Naluluhang sabi niya. Nag asaran lang kami ng nag asaran. Tinakot ko siya na kapag siya naman nag kasakit, kahit konting ubo lang ay dadalhin ko kaagad siya kay Inang Rosa. "BFF naman eh! Tama na kasi baka mapanaginipan ko na niyan si Inang Rosa! Bangungutin pa ko! Sayang naman ang beauty kong mamatay ako sa bangungot nang hindi ko pa nalalasap ang sarap ng 13.5 inches ni Sir Blake! Gusto ko rin ma-experience yung sinasabi nilang deep throat! " Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Buti na lang nasa kwarto ang anak ko at hindi siya narinig sa mga pinag sasabi niya, kundi kutong na naman abutin niya sakin. Gustong-gusto niya makaranas ng 13 inches kala niya siguro hindi masakit. Halos himatayin na nga ako noon sa tatay ng anak ko! My ghaddd! Sagad sa ngala-ngala! Nasundot pati atay balunan! Kinabukasan ay maaga ulit kami sa palengke. Putok na putok ang balita ng announcement ng Mayor namin ang tungkol sa project ng gobyerno at ng mga mayayamang negosyante dito sa bansa. Last year pa nila in-announce ang planong collaboration ng government at ng businessmen tungkol sa schoolarship program. Ngayon nga ay natuloy na. Ang sabi nila noon kukuha sila ng mga mapapalad na kapus palad na gusto mag balik sa pag-aaral sa bawat probinsya at doon sa maynila pag-aaralin. Sagot daw lahat ng gastusin. May budget sa foods, provided ang tirahan at may personal allowance pa. Gustong-gusto ko subukan kaso pano naman ang anak ko? "Oy, bff oh. Tignan mo dali! Diba gusto mo makabalik sa pag-aaral? Ito na yung chance mo! Mag apply ka na dalian mo." Natutulili ako sa boses ni Shiena. Mas excited pa siya sakin. "Pano naman ang anak ko aber?" "Wag mo na problemahin ang pamangkin ko. Kami na bahala ni nanay Isay sa kaniya. Para din naman sa kaniya ang pag-aaral mo. Papayag ka ba na lagi na lang tayo nagtitiis sa maliit na kita kung minsan lugi pa? Kung hindi mo gagawin ngayon, kailan pa?" May point naman siya. Minsan matino din pala kausap ang babaeng toh. "Kakausapin ko muna ang anak ko. Tatanungin ko muna kung papayag siya at si nanay." "Ay naku gora na yan teh! For sure papayag yang poging junakis mo. Masyado matalino yang anak mo noh. At si nanay, magiging masaya pa yan para sayo." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kung sakali man, ngayon pa lang sobrang namimiss ko na ang anak ko. Bahala na! Pag-iisipan ko muna maigi. Next week pa naman start ng application. "Pag-iisipan ko bff. Salamat sa suporta." "Push mo na yan bff. Andito yung ibang details sa pag apply at kung saan." Tinignan ko naman ang flyers na inabot niya sa akin. "L.M. University" basa ko sa nakasulat. Sa kanila din kaya yung L.M. Electro World? Sikat na sikat ang company na yun sa iba't ibang bansa. Pangarap ko nga makapag trabaho dun eh. Magaganda daw kasi ang benefits at malaki ang sahod kahit baguhan pa lang. Maalaga daw kasi ang company sa employees nila dahil naniniwala daw ang may-ari neto na mas nagiging productive ang empleyado kapag may nakaka-inspired na compensation. Edi sana all na lang talaga. One day, susubukan ko rin mag apply diyan pag may pagkakataon. Natanggap kaya sila ng part timer? Balak ko sana mag part time habang nag aaral kung sakali makapag-aral ako. "Hoy, bff bakit tulala ka diyan? Nami-miss mo yung 13 inches ng tatay ni Ezekhiel noh? Ayieeee!" Sinamaan ko naman ng tingin si Shiena. Gusto talaga nitong babaeng toh lagi siya nasasaktan. "13 inches ang alin?" Chismosong tanong ni Nixon. "Yung tite ng kabayo! Chismoso ka talaga!" sagot naman ni Shiena. "Bakit sa kabayo pa ang pinag-uusapan niyo? Meron naman ako." "Wag ka na mangarap, Nixon boy. Yung sayo pambata at maliit." "Aba! Hinahamon mo ata ang alaga ko? Para sabihin ko sayo, mala- Taguro toh!" "Taguro? So, may dungaw pa yan na isang ulo?" Pang aasar na tanong ni Shiena. Natatawa naman ako sa pag tatalo ng dalawang toh. Daming alam pag dating sa kalokohan. Taguro na dalawang ulo? Sang butas papasok yung isa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD