6: Sorry, Love

2134 Words
KURTNEY ELIZABETH POV** Natapos na lang ang program ay tulala pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko naman akalain na sa ganitong lugar at pagkakataon pa kami magkikita ng ex- boyfriend ko. "Hoy, bansot tara na! Bakit tulala ka diyan? Yan ang hirap pag nalipasan ng katol eh. Tsk!" Kung hindi lang ako shocked sa mga sandaling ito eh, nasapak ko na naman siguro ang isang ito. Inakbayan ako ni Nixon at hinatak na palabas ng auditorium para sa next subject namin. "Ouch! Bwisit ka talaga!" Pinitik ba naman ako ng malakas sa noo ng letseng toh! "Kanina pa ko nag sasalita dito eh. Ang bingi ng ilong mo! Bakit ba kanina ka pa tulala? " "May iniisip lang ako, bwisit ka! Hindi ba pwede manahimik sandali !?" Inirapan ko naman siya at pumasok na sa loob ng room namin. Habang inaayos ko ang laman ng bag ko ay nakita ko may nag message sakin kaya agad ko na muna itong binuksan. Wala pa naman si prof. "So, anong oras nyo ako babatiin? Ako pa mag- aadjust?" basa ko sa message ni Shiena sa messenger. Mayroon kasi kaming gc. Ako, si Shiena at Nixon lang ang member. Oh diba? Nag gc pa! Oo nga pala, birthday nga pala ngayon ni kumareng expired! "Edi good morning!" Pang- aasar kong reply sa kaniya. Kahit ganiyan yan mahal ko yan. Kahit na minsan gusto ko na talaga siya ipadala sa North Korea! "Sige ganyan kayo ni Nixon ha!" "Bakit anong meron?" Pang- aasar pa lalo ni Nixon. Of course alam namin. Inaasar lang talaga namin siya. Hehe. "Wala! Mag wawalwal na lang ako dito mag- isa at maghahanap ng 13 inches na kandila! Yun ang ibo-blow ko dito! Tse " Asar talo talaga ang babaeng toh. Napaka haba naman ng kandila sa cake niya? Panandalian ko tuloy nakalimutan yung iniisip ko kanina. Mamaya ko na siya babatiin sa video call. Natapos na rin ang klase namin sa mag hapon. Ala- sais ang last subject namin ngayong araw kaya kokonti na lang din ang mga studyante. Karamihan ay nakauwi na. Si Nixon ay pinauna ko na muna dahil kinausap ko pa yung prof namin about lesson namin kanina. Mayroon kasi akong part na hindi naintindihan sa Math. Nahiya naman ako ipaulit kanina yung explanation sa kaniya kaya ngayon ko na lang itatanong. Naipaliwanag naman niya ng maayos sakin kaya mas naintindihan ko na ngayon. Ang bait talaga ni Prof. Garcia. Okay lang sa kaniya na ipaliwanag ulit kung talagang hindi agad naiintindihan ng estudyante ang pagtuturo niya. Ako na lang mag- isa dito sa hallway nag lalakad. Pauwi na rin ako dahil gumagabi na. Tatawag pa ko kila Shiena at sa anak ko. "Ahhh Hmmmmmm!" Titili na sana ako ng may magtakip ng kamay sa bibig ko ng mahigpit. May kamay kasi na bigla na lang humatak sakin papasok sa isang room. "Shhh.." Bulong niya sa tenga ko habang mahigpit pa rin ang hawak sa bibig at baywang ko. Dinala niya ako sa pinaka dulong bahagi ng room na medyo tago. Nanlaki naman ang mata ko ng makilala ko naman siya. Si Khiel Maximo! Anong ginagawa niya rito at bakit bigla na lang siyang nanghahatak sa gidli?! "Don't make any noise." Mahinang sabi niya sa akin bago dahan- dahang inalis ang kamay niya sa bibig ko. "Maximo?" mahinang tanong ko sa kaniya. "So, kilala mo pa pala ako? Akala ko kasi nakalimutan mo na ang boyfriend mo eh! Sino yung bastardong lalaki naka- akbay lagi sayo kanina huh?" "Ahm. Sir bakit mo ko dinala dito? Aalis na po ako." Tangkang aalis na sana ako ngunit agad niya hinawakan ang magkabilang gilid ng baywang ko at diniin ang katawan niya sa akin. Halos ga- hibla na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Naamoy ko rin ang napaka bangong hininga niya at ang natural body scent niya. Nahiya naman ako bigla sa ex ko, baka amoy pawis na ko. "Excited ka na agad makasama ang kabit mo? Bakit? Bakit mo ko iniwan? Bakit bigla ka na lang umalis, huh? Answer me, Elizabeth! Dahil hanggang ngayon nababaliw pa rin ako kakaisip kung bakit mo ko iniwan!" Galit na sabi ni Khiel pero pinipilit niyang pigilan ang sigawan ako. Nakaramdam ako ng awa, lungkot at takot kay Khiel sa mga sandaling ito. Alam ko naman na mali yung ginawa ko at pinagsi sisihan ko na bigla ko na lang siya iniwan ng walang paalam. "K-Khiel. I'm so-sorry." Napayuko ulo na lang ako dahil sa hiya. Expected ko naman wala na akong Khiel Maximo na babalikan. Tinanggap ko na noon pa. "Sorry? Sorry lang? After all these years? No explanation? Tell me, bakit?" Hindi ako makapag salita. Umiiyak na rin ako habang nakayuko. I feel guilty. Napaka buting tao ni Khiel at naging mabuting boyfriend siya sakin. Napatunayan ko naman yun dahil sa nirerespeto niya ang pagka birhen ko at napaka maunawain niya rin. Ako talaga ang mali. Hindi pa rin ako nag sasalita. Natatakot ako. Baka hindi niya rin alam ang tungkol sa past ng parents namin at baka lalo lang siyang magalit pag nalaman niya. Dinig ko ang pag buntong hininga niya. Hinawakan niya ako sa kamay at muli na naman akong hinila pero this time, ramdam ko ang pag- iingat niya. The same Khiel Maximo I know. Wala ng tao sa paligid at kita ko rin na madilim na sa labas. Umakyat kami sa isa pang floor at pumasok sa palagay ko ay opisina niya dahil may nakalagay na Director sa pintuan. Malamig na kapaligiran dulot ng aircon ang sumalubong samin. Agad niya ako ipinasok sa loob. Dinig ko rin ang pag locked niya sa pinto. Bigla naman akong kinabahan dahil parang kaming dalawa lang ang narito. Pinaupo niya ako sa kulay beige na sofa na narito. Ang ganda ng office niya. Very aesthetic tignan. "Now explain everything to me, Kurtney Elizabeth and don't you dare lie to me!" This time, mas nasindak na ko sa kaniya dahil napataas na ang boses niya. Nakatayo siya sa harapan ko at naka- crossed arms habang seryosong nakatingin sa akin. Parang naiinip na siya dahil kita ko ang pag tap ng dulo ng sapatos niya sa sahig. Napasandal naman ako bigla sa sofa ng yumuko si Khiel at inilapit ang mukha niya sakin. "What now? Wag mong hintayin na may gawin pa akong hindi mo gusto bago ka magpaliwanag sakin?" "Ahm, Sir Kh.. Ayyy!" Nagulat ako sa paghampas niya sa lamesang nasa tapat ng sofa. "Love! Wag mong kalimutan na yan ang tawagan natin! Don't you dare call me sir!" Nanggi- gigil na sabi ni Khiel. "H-hindi ka ba na g-galit sakin? B-bakit gusto mo pa rin na t-tawagin kita sa endearment natin?" Nauutal kong tanong. Nai-intimidate ako sa kaniya. "Mas magagalit ako sayo kapag hindi ka nag paliwanag kung bakit mo iniwan na lang basta ang boyfriend mo! May iba ka ba? Totoo ba yung balita na sumama ka sa iba?! Na kaya ka umalis dahil nakipag tanan ka sa iba? Totoo ba lahat yun, huh?" Napatanga naman ako sa mga sinabi niya. Nanlilisik ang mga mata ni Khiel ngayon na para siyang sinapian. Sino namang siraul0 ang nagpakalat ng ganung balita tungkol sa akin? May ganun pala akong issue? OMG! " H-hindi. Hindi totoo yan! Wala akong iba at lalong hindi ako nakipag tanan! Alam mo naman na ikaw lang diba? Ikaw lang ang nakauna sa akin. Mula noon hanggang ngayon ikaw lang naman." Naluluha kong sabi sa kaniya. Nakita ko naman ang pag gaan ng awra niya na para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. "Kung hindi totoong may iba ka, bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam sakin?" "A-ano kasi.. Nahihiya ako sayo." Napakagat labi ako pagkasabi ko. "Don't bite your lips. Hintayin mo na ako gumawa niyan para sayo! Bakit ka nahihiya?" Pisti naman toh. Daming bawal! Napagod na ata si Khiel sa pagtayo kaya umupo naman siya ngayon sa tabi ko. "Sit here and explain." hinila niya ang braso ko at pinapaupo ako sa lap niya. Pano naman ako makakapag explain ng maayos kung uupo ako sa lap niya? Nag-aalangan ako sumunod sa gusto niya. San ka naman nakakita ng mag ex na nakaupo sa lap yung girl habang nag e-explain? Ngunit sumunod na lang din ako dahil ang sama- sama ng tingin niya sakin. Iniyapos agad ni Khiel ang dalawang braso sa baywang ko at tska tumitig sakin. Naiilang naman ako sa posisyon namin kaya yumuko na lang ako ng ulo at kinalikot ang kuko ko. "Max, pwede naman siguro ako mag explain sayo ng hindi nakaupo sa lap mo?" "I said Love ang itawag mo sakin diba? Wag mo dagdagan ang galit ko, Elizabeth. Baka makalimutan kong estudyante ka at mabuntis kita bigla. " Nakiliti naman ako sa hininga niya sa leeg ko habang sinasabi niya yun. Shete! Bat ako kinilig?! Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Nahihiya kasi ako sayo at kay tita Briannah dahil sa nagawa ng magulang ko. Alam mo ba ang tungkol sa nakaraan nila?" "Alin dun? Yung dating lovers ang mama ko at papa mo? Anong kinalaman nun sa atin?" sabi ni Khiel habang inaamoy amoy ang leeg ko. "Kailan mo pa alam yun? Hindi ba inagaw ng mama ko ang papa ko kaya naghiwalay sila ni Tita Briannah? Niloko siya ni papa dahil kay mama. Napaka sakit nun for sure kay tita kaya nahihiya ako dahil sa mga ginawa magulang ko." Napakagat labi naman ako ulit dahil sa pag pipigil maluha. "Okay nga yun eh. Tama lang na naghiwalay ang mama ko at papa mo." "Huh? Bakit? Hindi ka ba nagagalit kay papa at mama?" "Bakit naman ako magagalit sa kanila? Nagpapa- salamat pa nga ako sa kanila eh. Dahil walang tayo kung sila ni mama ang nagakatuluyan. Dapat lang talaga na naghiwalay sila. Dahil ikaw, para ka lang sakin wala ng iba. Naiintindihan mo?" Grabe! Ganun pala ang mindset niya! Ang mindset ko ay bilang isang babae na nasaktan dahil niloko at pinagpalit sa ibang babae. "Kurtney Elizabeth! Understand?" "O-opo." Narramdaman ko naman ang pag gapang ng kamay ni Khiel sa hita ko. Fitted high waist skirt ang uniform namin na hindi aabot sa tuhod kaya damang- dama ko ang init ng palad ni Khiel sa balat ko. "Yun lang ang rason mo kaya iniwan mo ko ng walang paalam sakin? Nasan ang hustisya dun? Pitong taon mo ko inabanduna!" Napisil naman ni Khiel ang baywang ko ng isang kamay niya habang sinasabi niya yun. Halatang nang gigil sa reason ko sa kaniya. "Sorry na nga po. Mali ako. Inaamin ko yun. Hindi muna ako nag tanong. Hindi ko muna inalam ang totoo! Sorry! Sorry talaga. Alam ko naman na hindi na maibabalik pa ang dating tayo. Matatanggap ko naman kung may i-iba ka na dahil kasalanan ko ang lahat." Ang sakit sa puso nung sinabi kong may iba na siya. "Iba? Sino naman nag sabi sayo na may iba ako? May girlfriend naman ako bakit pa ko maghahanap ng iba?" "Ha? Hindi ba consider na wala na tayo? Dahil matagal na panahon na mula ng iwan kita. Ako ang umalis. " "Sino naman may sabi sayo na pumapayag ako na makipag hiwalay ka sakin? Yes, umalis ka pero hindi ka naman nakipag break sakin at hinding- hindi rin naman ako papayag! Kaya tigilan mo yang kabaliwan mo na hiwalay na tayo. Walang ganun!" So, 8 years na kaming mag jowa? Tas isang gabi lang kami nag anuhan? Charr!! "Bakit hindi ka nag sasalita diyan? Do you understand me, love?" Nakasalubong na naman ang kilay niya. "Y-yes, L-love!" "Then good. Maigi na yung nagkaka intindihin tayo. Kaya sabihin mo dun sa lalaking nakaakbay sayo, puputulan ko talaga siya ng braso!" Natakot naman ako para kay Nixon. Kahit naman may pagka monggi yun, kaibigan ko pa rin yun! Pag naputol ang kamay niya pano niya pa mapapaligaya ang mga chix niya? Hehe. Kawawa naman siya! "Wag ka naman ganyan. BFF ko yun kahit may pagka baliw yun, mahalaga siya sakin. Awww, love!" Shemay! Ang sakit ng pagsipsip niya sa leeg ko! "Sorry napalakas. May nasabi ka kasing bad words. Marami ka pang iku-kwento sakin na naipon sa loob ng 6 na taon. At higit sa lahat babawi ka pa sakin. Hindi ako papayag na nasayang lang yung 6 years natin na hindi magkasama. Pagkatapos mo ibigay ang sarili mo sakin, bigla mo na lang ako tatakbuhan! Para akong na biktima ng s3x and run! " " Oo na! Babawi na ko sayo! Uhmm.. Loveee.. Tama na puro pasa na yan! Baka may makakita niyang nasa leeg ko, ano pa isipin sakin. " "Dapat lang na makita nila yan para malaman nila na may nagmamay-ari na sayo." Pasaway naman! "Love naman!" "Sasama ka sakin ngayon sa condo ko. Dun ka na uuwi sakin simula ngayon!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD