“Tita, nakauwi na ba si Mariely?” tanong naman ni Nadia na kakarating rin sa bahay ni Nathan. “Ah, Nadia, nandiyan ka pala, oo, kani – kanina lang siya nakauwi, pero, umiiyak.” Nag – aalala naman ang ina nito. “Hindi naman namin makausap, dahil, hindi naman nagsasalita o nagsasabi.” Sabi pa nito sa kanya. Nagulat na lamang siya sa kanyang narinig ngayon. “Sige po, baka, kumalma na si Mariely, kausapin ko muna.” Sabi pa niya sa magulang nitong nag – aalala. “What happened?” tanong naman ng kanyang kasamang si Nathan na kakapasok pa lang ng bahay. “Umiiyak ang bunso mo na umuwi, diretso sa room at ayaw makipag – usap.” Sabi naman ng ama nitong napabuntong – hininga. “What?” napakunot naman ang noo nito na nakatingin sa kanya. “Susubukan kausapin si Ely.” Sabi naman niya rito. Napatan

