Nagmamadali si Gill ngayon para sunduin ang kanyang kapatid, nagpapasalamat siyang patapos na rin ang kanilang project, saka, kailangan niyang magpahinga ngayon, isa pa’y nag – aalala siya sa kapatid niyang babae. Nakausap niya si Nadia kanina, and he’s thankful na inihatid nito kanina bago magtrabaho sa hospital. Damn that man. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Napabuntong – hininga na lamang siya. Tiningnan niya ang kanyang wristwatch malapit na mag – five nang hapon, kailangan niya ring makaalis kaagad. “Uuwi ka na Nathan?” tanong pa ng kanyang kasama na kinawayan lang siya. “Yeah, I need to go.” Pagpapaalam naman niya sa kanyang kasama. Tinungo kaagad niya ang elevator, para makababa na siya sa ground, pinakiramdaman niya ang kanyang susi sa kanyang bulsa. Nakahinga lang siya

