CHAPTER 50 "are you ok?"malungkot na ngumiti ako sa kanya. Nandito na kami ngayon sa sasakyan ni Jin at ihahatid nya muna ako sa mansyon pagkatapos ay susunod nalang ako sa kanila sa bahay ni Izrael. Izrael. Nagsimula nanamang magtubig ang mata ko dahil sa alaala ng mga sinabi ni tita kanina. Paanong si Izrael ang nagplano para pumunta ako kung saan alam nyang mapapahamak ako?hindi nya yun magagawa lalo na at ama nya ang namatay. "alam kong mahirap paniwalaan pero wala tayong ibang panghahawakan kundi ang mga sinabi ng tita mo sa ngayon.."hindi ako kumibo sa sinabi nya. "Mika.." "Kailangan ko lang siguro ng pahinga..magiging ok din ako.."matamlay na sagot ko sa kanya. Nang makarating ako sa mansyon ay nag aalalang mukha ni lola ang bumungad sa akin. "Iha!"nagtaka ako sa ikinikilo

