CHAPTER 34 Tumakbo ako palabas ng mansion ng makasalubong ko si manong Edgar ang isa sa hardinero ni lola. "manong nakita nyo po ba si Izrael?"kumunot ang noo nya sa tanong ko. "si Mr. Ventura po ba?"tumango na lamang ako sa kanya. "nakita ko po syang sakay ng kabayo nya papunta sa manggahan.."ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat bago ako tumakbo sa kwadra at kumuha din ng kabayo. Humihingal ako ng matagpuan ko sya sa ilalim ng isang malaking puno sa burol kung saan tanaw ang lahat ng lupain ng pamilya namin.Dahan dahan akong bumaba sa kabayo at humakbang papunta sa lalaking nakatanaw sa kapaligiran na mukhang malalim ang iniisip. "Iz.."kita ang gulat sa mukha nya ng mabungaran nya ako. "anong ginagawa mo dito?"umiwas sya ng tingin sa akin at muling binalik sa paligid. "hindi mo ma

