CHAPTER 61 Tulalang nakatingin lamang ako sa kisame ng kwarto ko.Napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang mahinang katok doon at ang pagbukas. "Ela.."ngumiti sya sa akin at may dalang pagkain. Napag usapan namin ni Evan na wag munang ipaalam sa iba ang mga narinig namin kahit kay Jin. "kamusta na ang pakiramdam mo?"ibinaba nya sa mesa ang dalang pagkain. "awful.."anas ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya at naramdaman ko ang pag upo nya sa gilid ng kama ko. "hindi ko alam na magulo pala ang buhay ng babaeng pinili kong mahalin.."napasulyap ako sa kanya dahil sa sinabi nya. "pasensya kana Evan kung pati ikaw ay nadadamay dahil sa pamilya ko.."hinging paumanhin ko. "may isang bagay lang na palaisipan sa akin Ela.."tinignan ko sya sa sinabi nya. "spill it.."utos ko. "kung aya

