CHAPTER 78 Dala ang puting bulaklak ay malungkot na ngumiti ako.Inilapag ko ang mga yun at naluluhang nag iwas ng tingin. "Hi..sorry kung medyo matagal bago kita nadalaw inasikaso ko kasi ang pagsampa ng kaso kay dad.."pinasigla ko ang boses ko kahit na nasasaktan ako ngayon. 4 months na ang lumipas mula ng mangyari ang bangungot sa buhay naming dalawa.Hindi ko inasahan na sa pagkasiwalat ng katotohanan ay sya ang kapalit. "Iz..I missed you.."malungkot na wika ko bago tumingala para pigilin ang luhang papatak. "Sasampahan ko sya Iz..alam kong ayaw mo pero gagawin ko yun para sa atin.."tuluyan ng tumulo ang luha ko. "Sabi ko na nga ba at dito lang kita matatagpuan.."malungkot na ngiti ni Evan ang sumalubong sa paglingon ko. "Maayos na ba ang lahat?"tanong ko. "Oo..nasa mental na sya

