Chapter 36

2427 Words

Panaka-naka ang naging sulyap na ni Dameil kay Grezia na nasa malayo niyang banda habang patuloy at walang pakialam siya doong kumakain. Hindi maikakaila ng kanyang sikmura ang gutom na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon kung kaya naman walang pakialam na lang siyang nagpatuloy sa kanyang pagkain ng binili niya sa stall. Iyon ay bunga marahil nang dahil sa alak na kanyang ininom nang nagdaang gabi, kaunti lang ang kanyang nakain kung kaya naman sinisingil na siya ng labis na gutom ngayon. At walang sinuman ang makakapigil sa kanya na lumamon hanggang sa tuluyang mabusog. Inililipad nang marahang ihip ng hangin ang ilang hibla ng buhok ng dalaga, bagay na nakadagdag pa ng angkin nitong ganda sa paningin ng binatang halatang mas nahulog pa ang kumakalabog at nalulungkot na puso niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD