LURIANA Pauwi na ako dahil katatapos ko lang sa trabaho. Sasakay pa lang sana ako sa kotse pero may biglang humila sa akin. Dahil sa inis ko ay sinipa ko siya sa tyan. "Cial, ako 'to!" Humarap ako sa kanya. "Ay! Sorry, hindi ko sinasadya. Ikaw kasi, para kang snatcher na nanghihila." "Gusto ko kasing magpatulong sa 'yo." "Para saan?" "Sa paghingi ng sorry kay Kuya. Hindi ko pa siya kinakausap dahil nahihiya ako sa kanya. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang kapatid." "Ano ang plano mo?" "Hmm... a dinner." "Okay, tutulungan kita. Sa ngayon ay uuwi na muna ako sa bahay." "Sama ako." "Aba, may mansyon ka naman ah?" "Gusto kong makita ang mga bata." "Sus, ang sabihin mo ay wala kang kasama sa mansyon. Nasa hotel si Kuya mo 'no?" "Siguro, wala naman siyang ibang tutuluyan. Hay, Lu

