Luriana's POV: Day off ako ngayon. Mayroon sana akong aasikasuhin pero nandito ang dalawa kong asawa, nakaupo sa couch habang kalaro ang kambal. "Alam niyo po ba? Papa Sarhan at papa Zerho, si papa nerf po ay ninong ni mama!" masayang kuwento ni Saylen. "Tsaka si papa Nerf po namin ay isang retired Police General!" masayang dagdag ni Slay. Napapikit na lang ako dahil bigla akong tiningnan ng dalawa habang nakangiti. "Talaga ba, Slay at Saylen?!" masayang tanong ni Sarhan. Tumango naman ang kambal sabay tumawa. "Yown!" Zerho whispered. Maya-maya pa ay nakita namin si ninong na pababa sa hagdan. Ang dalawa ko namang asawa ay kaagad na lumapit sa gilid ng hagdan. Si Sarhan ay sa kaliwa at si Zerho ay sa kanan. Nang makababa si ninong ay mabilis silang nag-bow ng sabay. "Sorry

