NANGINGITI KONG pinagmamasdan si Cedric na nahihimbing na nakaunan sa lap ko habang nakahiga dito sa park na tinabingan lang namin ng cover ang pwinestohan sa lilim ng mga nakahilerang pine trees dito. May mangilan-ngilan ding pamilya dito na katulad namin ni Cedric ay nagku-quality time sa isa't-isa. Napahaplos ako sa ibabang labi nitong bahagya pang nakaawang. Ang sarap niyang pagmasdang payapang natutulog habang hawak ng mahigpit ang isang kamay kong tila natatakot mabitawan ako. Maingat kong ibinaba ang ulo nito mula sa pagkakaunan sa lap ko at nahiga patagilid dito. Nakakatangay ng antok ang ambience ng lugar. Tahimik at napakalamig ng ihip ng hangin. Idagdag pang wala ang mga baliw na kaibigan kong ang lakas makasira ng moment namin ng baby ko. "Thanks baby, cuddling with you is

