MATAPOS KONG maihatid ito sa apartment nito ay bumalik na ako ng kumpanya. Gustung-gusto ko ng puntahan si Cedric para aluhin at magpaliwanag pero alam kong ikakapahamak niya ito. Mautak maglaro si Louis, nakakatiyak akong napapanuod niya bawat galaw ko para makasigurong 'di ko siya maiisahan. Pagdating ko ng opisina hindi na ako nagulat na naabutan dito ang mga kaibigan ko. Sabay-sabay pang napatayo ang mga ito na galit na galit ang facial expression na matiim nakatitig sa akin and I know.... because of Cedric. Before I get in the car, I immediately texted Diane to fetch Cedric at Hera's restaurant, one of the most exclusive restaurant in town. Ayo'ko namang iwanan na lang ito basta sa ganong sitwasyon. Hindi ko kaya. "What's happening to you huh!?" singhal ni Diane na kwinelyuhan ako!

