TULUYAN nang hindi nakapunta ng New York si Mia dahil sa biglaang pangyayari sa kaniya. Wala na ring nagawa ang mommy niya nang masayang ang binayaran nitong plane tickets. Pero lalong naging mainitin ang ulo ng mommy niya. Kahit alam niyang ayaw nito na nakikipagkita siya kay Renny ay ginagawa pa rin niya. Tumatakas na lang siya dahil umigting na ang siguridad sa kaniya. Nagdagdag pa ng security guard ang mommy niya para mabantayan ang buong paligid ng mansiyon. Subali't maingat naman siyang lumalabas sa lihim na pintuan. Ni minsan ay hindi pa kasi siya nahuli ng kaniyang mga magulang o kahit ni Marta. "Sa dami ng nakapaligid sa iyo niyan, wala man lang bang nakapapansin na may daanan sa likod ng bahay n'yo?" tanong ni Renny. Kasama niya itong namimitas ng mga bunga ng kamatis na tani

