Sana naging ordinaryo nalang ang buhay ko yun bang malayo sa gulo o p*****n. Yun bang hindi madugo. Kaya lang hindi e. Habang tumatagal mas lumalala. Maaga akong pumasok sa school nang araw ng huwebes. Na sana hindi ko ginawa dahil bigla nalang akong umangat sa ere dahil sa pising lumusot sa ulo ko pasakal sa leeg. Isang ace of spade na baraha ang nakita ko sa ibabaw ng kisame habang ako'y nakatingala pilit na tinatanggal ang bwisit na pisi. Hirap na hirap nakong huminga. Shet! Naiyak na rin ako sa takot na baka mamatay ako. Ayoko pang mamatay! Pakiusap! Panay ang sigaw ko kahit na hirap na hirap na'ko. "Tulong! Tulooong! Tulungan niyo ko! Parang awa niyo na!"paulit ulit kong bigkas sa hangin. Mabilis na bumukas ang pinto ng classroom at bumungad si Ziegler na alalang alala sakin

