Nakikinig lang ako sa music habang nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga. Maganda ang sikat ng araw ngayon hindi mainit sa balat at malamig rin ang simoy ng hangin. Hindi nakakairita. Kaya naman feel na feel ko talaga ang pagbabasa ng novel habang may salpak ng earphone sa tenga. On track: Iris Ang ganda talaga ng kantang to. Hindi nakakasawang ulit ulitin. Kaya lang nakakalungkot naman. Akala ko kung sino na yung lumapit sakin at tumigil sa mismong harapan ko. Nang tumingala ako nakita ko si Jiro Montesorri kasama si Blue Noguchi. Tinanggal ko ang earphone ko saka sila binalingan ng seryosong tingin. "anong kailangan niyo?"taka kong tanong na ikinangisi nila. "Wala naman. Dapat ba kapag lalapit kami may kailangan lang?"nakangisi paring saad ni Jiro na inirapan ko lang. "Tsk! E bakit

