Isang pasulit sa pagsayaw ang biglaang inannounce ng administration ng school. Para sa mga kababaihan lamang.
Maraming nagsayaw ng hiphop, slow dance at mga makabagong step ng pagsasayaw. Ginanap ang pasulit dito sa ground floor nagkaroon pa nga ng show down ang iba.
Sa nanginginig na tuhod at kamay biglang tinawag ang pangalan ko.
Grabe!
Para maibsan ang kaba sa dibdib, sinimulan ko ng ipikit ang aking mga mata. Pinakiramdaman ang simoy ng hangin. Ang pag galaw ng mga halaman, bulaklak at mga puno.
Nilagyan ng harang ang bibig tanging mata lang ang kita. Nilagyan ng puting panyo.
Huminga muna ko ng malalim.
Gamit ang pula at itim na panyong nakapulupot sa magkabilang kamay. Sinimulan ko ng iangat ang aking sarili sa hangin.
Isang tulak pauna at paurong. Pulang panyo sa patuloy na pagdanak ng dugo.
Itim na panyo para sa poot na nangingibabaw sa puso ng karamihan..
Sabay na pagsayaw ng panyo sa ere ang aking mungkahi..
"Anong sayaw yan? Parang ang creepy ng sinasayaw niya?"bulungan ng mga tao sa paligid ko.
"hindi ko alam. Ano ba ibig sabihin niyan?"
"mga tanga, dance of death yan.."natahimik ang ilan sa narinig.
Ang ilan ay naguguluhan parin sa ginagawa ko.
Isang espada ang bumulusok papunta sakin na nailagan ko kahit na nakapikit. Saktong dating nila Aikee at hinarangan ako.
"Isa siyang Oyashima..ang dance of death ang sumisimbolo sa kanilang angkan na ang ibig sabihin ay dadanak ang dugo dahil sa poot na naninirahan sa puso ninuman."napatigil ako nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. Napatingin kaming lahat kay Russel na kasama ang iba pang Morpheus.
Kanya kanya na silang bulungan. Ang iba violent reaction.
"Mamatay tao siguro ang babaeng yan?!"pasimula ng isang babae na di ko kilala.
"Tama si Queen Ehra, mamatay tao yan narinig na natin kay Russel.."sambit ng ilan pa. Hindi ko alam kung bakit yun ang sinayaw ko. Nakakainis! Mapapahamak ako nito.
Natigil sila ng bigla akong hatakin ni Russel. Sobrang bilis niya. Hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Hanggang sa makarating kami sa likod ng Acacia Tree.
"What's your name?"seryoso nitong sambit. Hindi agad ako nakasagot sa sobrang pagkashocked.
Sino bang hindi? Bigla nalang akong hahatakin.
"Sagot.."anito na nagsusumigaw ng awtoridad.
"F-France.."uutal utal kong sagot.
"whole name?"pangungulit nito sakin. Ano bang problema nito?
"France Ae Rheys Oyashima Donmeza.."wala sa sarili kong sagot. Napatahimik siya sandali. Tapos bigla siyang ngumisi at humalakhak nababaliw na yata siya.
"Be my girlfriend.."aniya sa seryosong tono. Hindi ako agad nakasagot. Saktong dating ni Aikee at hinatak ako.
"No.one.will.be.your girlfriend.."matigas na sambit ni Aikee. Halata mo ang pagkairita sa tono ng boses niya pati sa mata niya. Nag iigting din ang panga niya sa inis. I feel guilty. Kahit wala akong ginagawa.
"what do you care? Sino ka ba?"parang isang sampal yun kay Aikee. Hindi agad ito nakasagot. To save his ass.
"His my boyfriend. Sorry, Russel."nakayuko kong saad na nakapagpatahimik sa namumuong tensyon sa dalawa.
Hindi agad nakapagsalita si Russel. Hanggang sa magwalk out nalang ito.
Nagulat ako sa biglaang pagyakap ni Aikee sakin saka ako pinupog ako ng halik sa noo. Sa sobrang tuwa niya di niya sadyang mahalikan ako sa labi. Pareho kaming nagulat at natulala. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Omg!
Tapos nung mahimasmasan. Nagkahiyaan kami sandali tapos pareho kaming natawa.
Sabay kaming umalis doon ng magkahawak kamay.
"Philosophy is a game with objectives and no rules. Mathematics is a game with rules and no objectives."sambit ni Aikee magkakasama nanaman kami sa dorm nilang mga lalaki. Bawal babae dito pero dahil dakilang pasaway ako. Walang nagawa yung landlord nila kasundo ko na rin kasi si Nanang Ismeralda.
"Do not follow where the path may lead. Go, instead, where there is no path and leave a trail."bigla bigla nanaman silang nagsasalita ng ganyan.
"may namatay nanaman daw? Sinusuri na nila Inspector Koro."rinig kong bulungan ng mga estudyanteng dumadaan.
"Oo nga. Si Ma'am Nishiki na professor sa subject na Psychology."sagot naman ng isa.
"Saan nakita?"tanong naman ng isa.
"Sa office daw eh."
Nagulat kami sa paglapit ni Ian.
"Pinapatawag kayo ni Inspector Koro. Sumunod kayo sakin."seryosong sambit nito. Nang tumingin ako sakanya bigla akong kinindatan. Nakita naman yun ni Rosh na siyang kumunot ang noo at sinamaan ng tingin si Ian na napansin naman ni Ian. Nagsamaan lang sila ng tingin.
Pagdating namin sa lugar humarang si Simon at Dhenry na may nakakalokong ngisi.
"Hi, France."bati nila na parang may meaning. Nakangisi sila pareho sabay daan ni Russel na tumingin lang saglit tapos dumiretso na kina Inspector Koro.
"may suspect na kayo?"tanong ni Aikee na inilingan ni Inspector Koro. Mukang mahirap yung kaso.
"wala ding naiwang code. Maliban sa markang ekis sa batok gamit ang matalim na bagay."saad ni Inspector Koro. Sinuri naman ni Aikee at nila Cross ang nasabing Ekis.
"May kagat din ng kagat ng ahas dyan."dugtong nito.
Maya maya nilibot ni Aikee ang mata niya sa paligid. Sinimulan na ring mangalkal nila Cloud, Rosh, Ark, Zeke at Chester. Habang sinusuri ni Xavier, Xander at Lance ang crime scene. Si Jake at Ashton ang kumausap sa mga tao lalo na sa mga co-faculty ni Ma'am Nishiki.
"I see."biglang ngumisi si Aikee at sinabing itigil na ang ginagawa. Kanina niya lang sinuri ang bangkay pero sa itsura niya mukang alam niya na kahit di sabihin nila Jake o nila Cloud ang nalaman nila.
"What is it?"tanong ni Aelon ganon din ang tanong ni Cross.
"Kabilang si Ma'am Nishiki sa isang gang na may logong ekis at kagat ng ahas na may tatlong tuldok."kumpyansang sambit nito. Saka bumaling sa isang estudyante.
Napaiwas ito ng tingin.
"Seryoso? Faculty member kasali sa gang?"gulat na saad nila Ehra. San naman galing to? Tsk!
"Yeah. Third Snake Death Gang. Meron ba nun dito?"halos mapanganga kaming lahat sa sinabi niyang pangalan.
"Oo. Taga Kuro sila."seryosong sambit ni Vince na tinanguan ng iba pa.
"Third Snake Death Gang? Pano mo nalaman yun?"taka kong tanong.
"That mark, symbolize their gang. Madali lang malaman dahil sa simbolong ekis tapos tatlong tuldok na kagat mismo ng ahas."aniya. Napanganga kami lalo sa galing niya.
"Literal na ahas ang pumatay sakanya?!"gulantang na sambit nila Tomoyo.
"Yeah. A gang like that, sigurado akong may pet silang ahas gaya ng cobra."aniya napa hampas sa noo si Inspector Koro.
"Bakit di ko nagets agad yun?"dismayadong sambit nito.
"Pano yun? Bawal silang hulihin kahit na pumatay sila. Dahil allowed silang kumitil ng buhay."sambit ni Simon na siyang nakapagpalingon saming lahat.
Allowed?! Anong klaseng school to?! Allowed na pumatay ang taga kuro?
"Wala naman palang kwenta to kahit na mag imbestiga pa. Sige alis na kami."walang habas na saad ni Aikee. Bakas sa muka niya ang pagkairita.
Nabadtrip na rin sila Jake at ang iba pa.
Sabay sabay kaming umalis doon.
Humarang si Russel at ang apat na kasama nito samin.
Natigil kami hindi dahil sa pagharang nila kundi sa screen na lumantad mula sa pader.
Isang matipunong lalaki ang lumabas doon. Nakasuot ito ng maskara. Tanging bibig lang ang kita at ang buhok na kulay brown.
"Good morning, Sergio Montecarlos Montezuma is the name. Nice to meet you, kiddos."humalakhak ito. Ang creepy.
"Hayaan niyo nalang ang patayang nagaganap. Kung ayaw niyong madamay sa gang war."anito na siyang nakapagbuhay ng inis samin. Hayaan? Nagpapatawa ba siya?!
Matapos nun bigla nalang nawala yung screen. Nilagpasan na namin nila Aikee sila Russel.